Ang Lihim


Matagal ko ng hinala ito.



Pero takot din akong alamin yung katotohanan.  Kasi baka hindi rin ako handa sa kung ano man ang malalaman ko.



Noon pa, napansin ko na ang pagiging iba ko sa aking mga kapatid.



Lahat sila around 5'10 - 5'11" ang height.



Ako 5'7".



Lahat sila moreno/morena.



Ako maputi.



Tapos almost 4 years after ikinasal yung parents ko saka ako ipinanganak.



Nandoon talaga yung hinala.



Bisperas ng Pasko.



Inabot ko sa Nanay ko ang kanyang pamasko. Perang nakalagay sa isang sobre.



Nanay: "Magkano to?"



Me: "Ah.... dapat po ang sinabi nyo 'Thank you!"



Nanay: "Ah okey... thank you!"



Me: "You're welcome!"



Nanay: "Ok, magkano 'to?"



Hindi ko na sinagot.  Katumbas lang naman yon ng isang buwan kong sahod.



Dimiretso ako sa kwarto at muling napag-isip. Ito na marahil ang tamang pagkakataon.  Bumalik ako ng kusina at inabutan ko ang aking ina na binibilang ang laman ng sobreng inabot ko kanina.



Hindi ko na napigilan ang aking sarili.



Me: "Nay..... pwede ba akong magtanong?"



Nanay: "Ano 'yon?"



Me: "Nay....... ampon lang ba ako?"




Halata ang pagka-gulat nya.  Napatigil sya sa pagbibilang ng pera.




Nanay: "Ha? Bakit mo nasabi 'yan?"



Me: "Matagal ko ng nararamdaman. Pero hindi ko naman magawang itanong sa  inyo."




Nanay: "Bakit? Nagkulang ba kami ng ipinakitang pagmamahal sa 'yo?  Itinuring ka ba naming iba? Kinapos ba kami sa pagkalinga?"




Ramdam ko ang bigat sa bawat katagang kanyang binitawan.




Me: "Hindi naman po. Pero nandoon lagi 'yung pagtataka at paghihinala."




Naramdaman ko ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. Ang pamumugto ng kanyang mga mata.




Me: "Nay, nasa hustong gulang na ako para malaman ang katotohanan.  Hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo at hindi ako mawawala sa inyo. Gusto ko lang malaman kung anak nyo ba talaga ako."




Nanay: "Hindi ko alam kung paano sisimulan...."



Me: "Pwede naman sa 'Once upon a time..."



Napangiti si Nanay.  Pero ngiting may pait.



Nanay: "Panahon na nga siguro para malaman mo ang katotohanan..."



Sumikip ang aking dibdib.



Parang hindi ako makahinga.




Hinawakan ko ang palad nya bilang tanda ng suporta sa kung ano mang lihim na ipagtatapat nya.



Me: "Ano po 'yon Nay?"



Nanay: "Anak........



Me: "Nay......"





















Nanay: "Umandar na naman ang kagaguhan mo! Ano na naman yang pumasok dyan sa kukote mo? Kadarating mo lang... bored ka na agad? Aber sino na naman sa tingin mo ang tunay na mga magulang mo?"




Me: "Pwedeng isa sa mga Ayala. Tapos ipapamana nila sa akin ang Greenbelt 5."




Nanay:  "Haller???? Luwa ang mga mata non at ikaw, singkit ka!"





Me: "Ok payn! Eh di si Henry Sy na lang!"




Char.



****************



Ganyan kami minsan ng nanay ko...... Adik.




Happy New Year everyone! :)











posted under |

30 comments:

Anonymous said...

Hahaha iba ang nanay mo! <3

Happy new year, madame! Cheers!

Ponse said...

HAPPY NEW YEAR MS. CHUNI!

ADIK! :)

Atty. Mico. said...

Happy New Year, Ms. Chuni. :) Great year ahead.

Senyor Iskwater said...

hahahaha...nakakatawa! mga adik na mag-ina!

happy new year!

Mamon said...

Hahaha adik ninyong mag-ina! Happy New Year!

mwotaji said...

hala... totoo?? ASTIG!! haha :D

HAPPY NEW YEAR!! :D

aboutambot said...

gusto ko ng ganyang kaadikan haha. happy new year ms. chuni!

Edz said...

me pinagmanahan ka ms chuni :)

ZaiZai said...

nakakaloka! akala ko totoo na hahaha :)


happy new year ms chuni! more boys and more bonggang ganap to come! :)

Cute Desert Boy said...

happy new year Ms Chuni....haysss bongga ang pasabog mo haha kala ko naman totoo.

Rix said...

nyahaha i miss my Mom tuloy... Funny bonding :)

Rix said...

nyahaha i miss my Mom tuloy... Funny bonding :)

Pink Line said...

wahaha! patulo na luha ko eh..umurong bigla!

happy new year ms.chuni!

Dyosa said...

Happy New Year Madam Chuni!!!

Miss na miss na miss na kita

JohnM said...

Potah, sakit sa bangs! Grr. LOL

Mac Callister said...

ay sayang kala ko totoong ampon ka mas masaya sana! charot!

happy new year!

Nate said...

paka-kulit ng queen mother!! :)) happy new year, madam!

Shenanigans said...

Whew!

Unknown said...

wala si adoray ms chuni? miss ka namin, di mo kami namimiss?

joanne said...

Wahahaha.. aliw nga! kabaliw ang usapan ninyo! Muntik na kong mapa-drama din e..

Anonymous said...

naku chuni naloloka akoh...anyway i appreciate your obra..hope you could write more..regards and it's nice meeting you here.. i am

-Bhoie Tagactac

My Thoughts Scrawled In Pink said...

Lol! Nakakatuwa naman, thankfully naligaw ako dito. Ang saya!

Unknown said...

grabe miss chuni, wala nang chronology ang pagbabasa ko sa blog mo....tawa marathon na....

MakoyMeister said...

Unang ngiti sa araw na 'to. Salamat at napatawa mo ko. Ilang araw na rin akong emo mode.

Kampai!

Anonymous said...

auntie, wala ka bang bagong balita? haha

patryckjr said...

HAHAHA....napasaya umaga ko...

patryckjr said...

HAHAHA....napasaya umaga ko...

thockler said...

nakakamiss ang mga posts mo sana maging regular ulit pag post mo kasi nakakawala ng stress. ^_^

PluripotentNurse said...

Hi ms chuni ang drama ng effect ah! hehe. muling bumibisita :)

Anonymous said...

ang sweEt nyo namang mag ina. .hahaha pat fr0m pampanga.

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments