Dear Diary
Isang araw, binisita ako ni Edong habang nag-aararo ako ng bukid sa strawberry farm ni Ditseng Goya. Wala kasi kaming kalabaw kaya mano-mano kong binubungkal ang lupa.
Kababata ko si Edong. Aaminin ko, crush ko sya. Ang gwapo nya. Sya na yata ang pinaka-gwapo sa barrio namin.
Tumatagaktak ang pawis ko ng oras na 'yon habang nagbu-bungkal alas dose ng tanghali…
Sabi ni Edong…
“Tutulungan na kita.”
Ang sweet sweet nya pero ang sabi ko naman….
“Wag na, kaya ko ‘to.”
Hindi na sya nag-insist.
Kaya naman kinaya ko na lang. Para pitong ektarya lang naman ang strawberry farm ng aking ditse.
‘Yun nga lang medyo masakit lang sa likod at batok ng slight. Not to mention my legs. May kabigatan kasi ang 30 kilo na bakal na araro. Sabi ko nga kay Ditseng Goya…
“Ditse, sana makabili na tayo ng kalabaw, may kalyo na kasi ang nape at shoulder ko.”
Sabi naman ni Ditseng Goya…
“Pag-tyagaan mo muna Chuni, in 5 years, makakabili na ‘rin tayo kung maganda ang ani.”
Tuwang-tuwa ako non, kasi matatapos din pala ang hirap ko. 5 years lang naman. Kaya gumawa ako ng countdown, parang Pasko lang. 1,826 tulog na lang, may kalabaw na kami!
...............................
Dear Diary, hindi ko alam, may lihim din palang pagtingin sa akin si Edong.
Niligawan nya ako.
Dinadalhan nya ako ng dahon ng malunggay, talbos ng kamote, bulaklak ng kalabasa at alugbati. Ginagawa ko namang bulanglang o minsan ay diningding at sabay naming pinagsasaluhan.
Pero tutol ang aking Ditseng Goya sa aming namumuong relasyon.
“Hindi ka pa pwedeng mag-asawa Chuni! Kailangan ka sa bukid!”
Masakit sa dibdib Dear Diary.
Hindi ko naman tinatalikuran ang responsibilidad na mag-araro sa bukid kahit magkatuluyan kami ni Edong.
In fact, para pumayag si Ditseng Goya, ako na rin ang sumasalok ng tubig para idilig sa bukid mula sa ilog.
Hindi sa nagrereklamo ako pero effort ‘yon dear Diary.
Kasi mabigat yung timba ng tubig pero malapit lang naman ang ilog.
Sabi nga ng kaklase kong si Sigourney na nakarating na sa Maynila, parang Cubao hanggang Trinoma lang daw ang layo.
Cubao Ibabaw nga daw pala.
Habang sumasalok ng tubig, ina-aliw ko lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-awit ng favorite song kong “Telephone’ ni Lady Gaga na madalas kong madinig sa radyo. Favorite ko nga ‘yung line na…
“I have got no service
In the club, you see, see”
Siguro mga 30 times na ulit ko lang kakantahin yung song bago ako maka-isang balik sa ilog. Again, not that I’m complaining ha.
Isang araw, in-intercept ako ni Edong upang kausapin. Sabi nya…
“Chuni, sumama ka na sa akin. Mag-tanan na tayo.”
Hindi ko sya masagot. Paano na si Ditseng Goya? Paano na ang bukid?
“Chuni, aalis na ‘ko sa lugar na ‘to. Kung hindi ka sasama, aalis akong mag-isa.”
Dear Diary, mahal ko si Edong. Hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko. Kaya naman hindi ko na inisip pa ang galit ni Ditseng Goya. Nag-iwan na lang ako ng note sa balde ng tubig.
Ditseng Goya,
SohWeE p0uh! Sxuma2 nha aKho ke Edong. Xana pouh Mptawad me.
Love, Chuni
Alam kong maiintindihan din ako ni Ditseng Goya sa aking naging desisyon. Kaya kahit duster lang ang suot ko, sumama ako kay Edong sa Maynila.
Hindi man ako sanay sa buhay syudad ay kinaya ko dahil kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko. Kahit mahirap lang, hindi ko ininda. At least unti-unti ng gumagaling ang kalyo ko sa batok at shoulder. Pero nami-miss ko pa rin ang pag-aararo.
Dear Diary, ang akala kong masaya at tahimik kong buhay ay nakatakda palang magulo.
Minsan kasi habang naglalaba ako, may dumating na lalaki sa aming bahay.
Si Dencio…
Tila ako namalikmata. Pagka-gwapo kayang lalaki.
“Nandyan ba si Edong?” tanong nya.
Sumagot naman ako. “Wala po Sir.”
Him: “Wag mo na akong tawaging Sir. Ako si Dencio, kumpare ni Edong.”
Me: “Ganon po ba. Nasa trabaho po sya.”
Him: “Siguro ikaw si Chuni ano?”
Me: “Ako nga po.”
Him: “”Wag mo akong po-puin.” Sabay abot ng kamay.
Kinuha ko ang kamay nya at nag-mano.
Him: “Oh, bakit ka nagmano?”
Me: “Ay, pasenysa na po, nataranta lang ako.”
Him: “Sabi na sa ‘yo, wag mo na akong po-puin eh.”
Me: “Ay sige po. Ay, sorry po. Ay, sorry pala. Hihihi.”
Him: “Ang ganda mo pala. Ang swerte naman ni Edong sa ‘yo.”
Me: “Hindi naman masyado. Hihihi!”
Him: “Sige, tuloy na ‘ko. Sabihin mo na lang kay Edong dumaan ako.”
Me: “O sige.”
At umalis na nga sya subalit kumindat pa. Hanngggwaappppo talaga Dear Diary. Akala ko si Edong ko na ang pinaka gwapo sa lahat pero may mas gwapo pa pala. Simula noon, hindi na nawaglit sa isip ko si Dencio. Parang nasasabik na akong makita syang muli.
Naguguluhan ako Dear Diary.
Hanggang isang hapon, dumating si Edong na kasama si Dencio. Mag-i-inuman daw sila sa bahay. Natuwa ako ng makita ko si Dencio. Pero nakaramdam din ako ng takot sa aking nararamdaman.
Nararamdaman ko ang mga lihim na pagtingin nya sa akin. Ilang beses nya rin akong nahuhuling sinusuklian ang kanyang mga tingin at ngiti.
Nang malasing si Edong ay nilapitan ako ni Dencio. Sinabi nya sa kin ang kanyang nararamdaman.
I’m so confused.
Kahit nandoon at nakatulog sa kalasingan si Edong ay naganap na nga ang pag-angkin ni Dencio sa sariwa at bubot kong katawan.
Oo dear Diary…
NAG-PAUBAYA AKO.
IBINIGAY KO SA KANYA ANG LAHAT-LAHAT.
Matapos nyang malasahan ang aking diningding ay nagwika sya…
Mahal na nya daw ako.
At kung maaari ay sumama na ako sa kanya.
Sinabi ko kay Dencio na naguguluhan ako. Mahal ko sya pero mahal ko rin si Edong.
Dear Diary, hindi ako sumama kay Dencio ng gabing ‘yon.
Pero iyon ang naging simula ng aming lihim na relasyon.
Pero gaya nga ng kahit anong lihim, nakarating kay Edong courtesy of our dalahirang kapitbahay ang paglalaro ko ng apoy with Dencio.
Kinompronta nya kami.
Subalit nakahanda rin si Denciong ipaglaban ako.
At pinag-awayan nga nila ang aking puso, ang aking pag-ibig.
Sinubukan ko silang awatin pero patuloy pa rin sila sa pagtutunggali. Ganoon sila ka serious makamit ang aking pagmamahal.
Nakaramdam ako ng konsensya Dear Diary.
Nasira ang kanilang pag-kakaibigan dahil lamang sa aking kagandahan.
Kaya habang nagpapalitan sila ng suntok at sipa, ako na ang kusang lumayo.
………………….
Ngayon, nandito ako muli sa bukid ng aking Ditseng Goya.
Balik sa malungkot at simple kong buhay. Balik sa pag-aararo ng bukid.
“Maraming salamat Ditse at napatawad mo ako. “
Ditseng Goya: “Sana ay madala ka na sa nangyari.”
Me: “Oo naman. Ditse, magkaka-kalabaw na ba tayo? Masakit kasi talaga sa likod eh .”
Ditseng Goya: “Kung hindi ka sana nag-tanan, malapit-lapit na. Ngayon, balik tayo sa 1,826 na tulog.”
The End.
………………..
Uuuuy, FICTION lang ‘to ha. Pantasya lang ng alibughang reyna.
Atin-atin lang. Baka hantingin ako nung dalawa at pagtulungang dyombagin.
Hahaha!
44 comments:
napapadpad ako sa iyong kaharian Miss Chuniverse.
laughtrip ako sa post na 'to. emote na emote si Ate. Naghihintay ata sa pagdating nung kalabaw. Bwahahahhaa
mag kape ka teh! haha! chos lang
i'm so gonna marry you when i meet you!
putah ka! yun lang...
malaglag laglag ako sa upuan kakatawa!
panalo sa visuals! WAGI!
Chuni, halos mamatay ako sa kakatawa dito!
hahahahaha
loka-loka!
shutanginamess! tawa ako ng tawa!
jusko ano ba yan ahahhaha...si Edong, parang di papayag magpa bottom, sya ung tipo na papa BJ lang sa yo and itotodo ng husto ung baon hanggang mabulunan ka! bwhahahah
c dencio,type ko sya noon pa...sya ung tipo na mukang inosente pero sobrang HOT sa kama, ung malakas umungol! hihihi
ching!
WOW!! IKAW NA Ms. Chuni..
IKAW NA!!!
(hehehe)
@Supladong Officeboy... welcome sa aking kaharian. =)
@Shenanigans.... nag-Figaro na kaya ako dito sa bukid. sa inyo ba may Figaro? =)
@YJ... ganyan talaga para mas believable. hahaha! though FICTION lang talaga 'yan ha. Hahaha!
@Sean... bago ka mamatay, KISS mo muna ako. Hahahaha! =) Mwah!
@Iurico... malapit ka ng maging character sa susunod kong kwento along with Soltero. hahaha! =)
@John.... mag-propose ka muna. hahaha! Choz!
@Soltero... ay, ganyan din ang perception ko kay Edong. Parang pang carino brutal ang appeal.
pero si Papa Dennis, ultimate crush ko talaga 'yan. magbabagong buhay ako para sa kanya! choz=)
teehhhh... nice visuals and content so ikaw na! ikaw na ang writer ng taon. hehehe. aliw sha bex pero hmmm... pa hair toss nga?
CHING!
@Ashaman... ako na nga ba? hahaha!
@Hondafanboi... Oo naman, kumpleto sa visuals, parang propesora lang. =)
potek!!!!!!! ibang klase ka talaga tita! sumakit ng todo ang panga ko sa girl picture! hahahahahaha
@Nimmy... wag masyadong itodo ang tawa. baka mag lock jaw ka. kawawa naman si Papa Leo. Choz! =)
BWAHAHAHAHAHA!!!!!
aliw na aliw lang ako Ms. Chuni...hihihi
.
.
ayan, di matapos-tapos ang pagtawa ko
.
.
anyway, di ako masyado nagu-gwapuhan kay Pareng Dencio sa personal. medyo natatakot naman ako kay Edong. parang sadista ang dating..hihi
.
.
P.S. ano yung Diningding?
madame chuni, ikaw na si charito solis sa igorota! taray teh!
@DB .... ikaw na ang CHOOSY. Hahaha! Diningding is an ilokano dish na gawa sa pinakuluang sari-saring gulay at dried fish. 'yun ang alam ko. pero baka mali ako. hahaha!
@Nox.... ay, parang nakita ko 'yon. type. =)
Naiimagine ko tuloy kung paano itre-treat ni Pilyo o kaya ni Soltero ang istorya. Wahahahahahaha!
Honggolenggoleng!
ayy fiction lang pala hahahaha pero natawa naman ako ang haba ng hair parang rapunzel pinagaaway ng dalawang guys
haha! kakaloka gurl!
apay taga-ano ka gurl ta ammom ti diningding ken bulanglang. tagabanbantay ka nya? hihihi!
@Mugen... Posible namang mag-away si Pilyo at Soltero sa ganda ko. Choz!!! hahaha!
@Hard2getxxx .... oo nga eh, sayang, fiction lang. Hahaha!
@Mike... Ay sorry, hindi aketch Ilokana. Wish ko lang. =)
disappointted ako sa ending...
teh kala ko si Edong at Dencio ang magkakatuluyan...
@Ewan... lagyan natin ng Part 2? Hahaha!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAAH.
amf. ka teh! naluluha na ko dito katatawa...
@Pilyo... gusto mo naman maluha sa sarap? choz! =)
waaaah galing miss chuni! kaw ang aking inspirasyon bwahahaha
Galing galing mo talaga teh! lolz
ay like ko din yan si dennis susmeh parang lang kong tanga natawa ng tawa sa naka duty pa namana ko lolz
@Hot Bicycle.... na-flatter naman ako don. thanks. =)
@Swoosh... Salamat. ingat, wag pahuhuli. hehehe!
@nOx... super like ko 'tong comment mo, 'day! >>>> "madame chuni, ikaw na si charito solis sa igorota! taray teh!" :)
Ms Chuni, kinikilig na naman t*ngg*l ko kay Dencio! Siya 'yung tipo ng lalaking nang-uuntog sa headboard ng kama! Ooooooohhh...
Lols,
-Jay
then i landed in your universe chuni, was about to sleep when i saw this post in a blog...
ito lang masabi ko...
Kaloka! di ko kineri ang story, uber laugh ang lolo mo, the good part was the ilog and na cubao ibabaw to trinoma ang layo na 30x kinakanta ang TELEPHONE ni gagita haha at ang note kay ditseng jejemon
will visit your blog frequently
ciao
wagi teh. inday na inday ang dating ng pagkasulat.
teh, sino yung nasa unang pic? si dennis lang kilala ko. pasencia na taga-bundok lang.
@Jay... malinamnam talagang mag comment yang si Nox. Hahaha!
@Paolo... Hello, salamat ha. sana naman ay nakatulog ka ng mahimbing. concerned lang aketch? hehehe
@Orally.... Si Edong ko nga 'yung first pic. Taga bundok ka nga, Bukit Timah naman.. hangsosyal mo lang. Hahaha!
hongaling galing.. Ms. chu.. marami na naman ang naaliw mo sa sankabadingan! ;)
ikaw na syalan.. haha!
referring to you post before this,
shalan ka pala manlibre..
libre mo nga ako.. chos!
@Luis... Salamat. Christmas gift ko na 'yan ha. hahaha!
@Shenanigans... Sure! Pag may dyowa ka na. =)
hahaha in fairness kahit ang haba tinapos ko at naaliw ako!!!
ang saya!
gang Bang naman ang kahihinatnan dito sa dalawang to.
Pero ok lang kung si Dencio, at least... pag gising ko, kamukha ko na si Carlene o si Cristine reyes. bwahahaha!
@Mac... =)
@Rabbit... type ko yang gang bang na 'yan, ahhhaayy..... hahaha!
whahahaha..panalo naman talaga ang kwento..wahahha:D
kaloka ka ms. chuni..:)
panalo sa kuwento! I am loving your blog!
@Nicos... salamat. =)
@Mr. G.... thank you din pow. =)
very well shared chorva......skinhead din ako kasi nakakalbo na sa kaka abroad....salamat uli sa blog mong'to.....
i love your blogsite :)
Post a Comment