Ms. Chuni's Night Out
Matagal na ng huling pumunta sya sa sinehang 'yon.
Pero parang wala pa ring ipinagbago.
Madilim. Mainit. At puno ng nagpa-paroot-paritong mga parukyano. Tila mo'y mga gamu-gamo silang naglisaw at umi-ikot sa munting liwanag ng lamparang kinahuhumalingan. Walang direksyon, walang kapaguran.
Pero bakit nga ba sya nagbalik dito?
Marahil ay nais nyang balikan ang dating kanlungang nagsilbing mundo nya noong panahong sya ay naghahanap ng pagtanggap.
Iyon nga ba ang dahilan?
O baka naman umaasang matatagpuan ang isang nilalang na dati ay dito rin nya namasdan.
O nais lang nyang patunayan sa sarili na sya ay tatanggapin pa rin sa kabila ng ilang taong lumipas na kabataan.
Pagbungad pa lang sa entresuelo ay may mga kalalakihan ng nakatayo... tila naghihintay. Lahat ng mga mata ay nabaling sa kanya na para bang tina-tantya kung papasa sya sa kanilang panlasa.
Dire-diretso syang tumuloy sa loob. Sumandal sa haliging natatapatan ng maingay na electric fan.
Ilang sandali pa lang syang nakatayo ng may lumapit na lalaki sa kanya at tumayo sa tabi nya. Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kanyang kaliwang dibdib at nagsabing...
"Serbis Sir?"
Tiningnan nya ang mukha ng lalaki. Sa kabila ng dilim ay nakatulong ang munting liwanag mula sa maliit na pulang bumbilyang katabi ng electric fan upang aninagin ito.
Kung ihahambing sa ibang mga parukyano ay may taglay na kakisigan ito. May katangusan na ilong, bilugang mata at makapal na labi.
Nginitian nya ito at sinabing..."Sorry, pare 'di ako nagpapa-service."
"Wan pipti lang Sir. Magaling ako. Di ka magsisisi." Pilit ng lalaki.
Muli nya itong nginitian at nagpa-alam. Naglakad sya papunta sa kabilang bahagi ng sinehan. Muli ay sumandal sya sa haligi at ipinako ang tingin sa pelikulang ni hindi nya napansin kung ano ang titulo.
Lumang pelikula. Magaspang ang kalidad. Sa halagang P80.00, hindi ito ang binayaran ng mga parukyano.
Aliw.
Nang tuluyang masanay ang kanyang mga mata sa dilim, nagpasya syang umakyat na sa itaas na bahagi ng sinehan.
Doon karaniwan nagaganap ang libreng ligaya.
Bawat paghakbang nya, may mga nakakasalubong syang ilang kalalakihang nagpakita ng interes. May huma-haplos, may huma-hawak.
Sinuklian lamang nya ng ngiti ang mga ito at diretsong naglakad.
Napansin nya ang isang lalaking nakatayo sa pinaka-taas na bahagi.
Tinahak nya ang direksyon nito.
Lumapit sya at tumayo sa tabi nito.
Naka-sando ang lalaki. Nasa 28 ang edad. May taglay na kakisigan.
Tumingin sa kanya ang lalaki.
Nginitian nya ito.
Parang sinisipat ng lalaki ang mukha nya.
Umismid ang lalaki. Umiling-iling na may halong pangku-kutya.
Nakadama sya ng kurot sa pagka-tao sa ginawa nito.
Ganon ang kalakalan ng sinehan. May tuma-tanggi. May tina-tanggihan.
Ngayon sya ang talo.
Tanggap nya 'to.
Nilisan nya ang lalaki at naisipan nyang maupo na lamang sa gilid ilang dipa ang layo mula sa lalaking ito.
Paminsan-minsan ay nililingon nya ang lalaki na ilang beses ring nilalapitan ng iba.
Nakita nya ang mga magaspang na pag-tanggi nito. Yung ilan ay itinu-tulak pa.
Maya-maya pa ay umalis na ang lalaki.
Muli ay tumayo sya at bumalik sa pwestong kanina'y ino-okupa ng lalaki.
May isang lumapit at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang gitnang bahagi. Marahan nyang inalis ang kamay ng lalaki at nginitian ito kasabay ng pag-tanggi.
Ilang minuto ang lumipas, may umakyat na isang binatang naka-puting t-shirt at maong na pantalon. Kasunod nito ang naka-sandong lalaki na kanina'y magaspang na tinanggihan sya.
Nakatingin ang lalaking naka-t-shirt sa kanya. Tumayo ito sa tapat nya.
Tumitig sya sa lalaki.
Noon nya natanto ang kakisigan nito. Di hamak na mas makisig ang lalaking ito sa lalaking naka-sando.
Humakbang ng isa ang lalaki.
Halos magka-dikit na ang katawan nila.
Tumayo ang lalaking naka-sando sa tabi nito at niyakap ito.
"Tara, doon tayo, iwan mo na yan..." ang sabi ng naka-sandong lalaki.
Pero tiningnan lamang sya nito at muli ay ibinalik sa kanya ang maamong tingin.
Nagtitigan sila.
At walang sabi-sabi'y hinalikan sya ng lalaking naka-t-shirt.
Matamis ang halik.
Na naputol ng muling hilahin ng lalaking naka-sando ang gwapong binata.
Hindi nya alam kung makikipag-hilahan ba sya at aagawin ang binata mula dito.
Pero nagsalita ang binata at tinanong sya.
"Gusto mo ba syang kasali?"
Nagulat sya pati na rin ang lalaking naka-sando.
Tatlo.
Magkasalo.
Hinalikan nya ang lalaking naka-t-shirt.
"Ayoko ng tatlo. Gusto ko dalawa lang tayo."
Tumingin ang lalaking naka-t-shirt sa naka-sando at nagsabi... "Sorry, ayaw nyang kasama ka."
Natigilan ang lalaking naka-sando.
Hindi sya handa sa ganoong kaganapan.
Pero bago tuluyang umalis bumulong sya sa lalaking naka-sando at sinabing...
"Oh, choosy ka pa kasi 'teh. Oh di ngayon knows mo na kung sino sa atin ang mas maganda."
Sabay walk-out with the boylet.
The end.
Minsan pag gutom na ako and I want an instant fix, bumababa na lang ako ng condo to buy from the neighborhood turo-turo na Jollijeep sa Salcedo Street.
Tapos, mina-microwave ko na lang and ayun, lafang galore.
So masa pero how convenient devah?
At dahil wala naman akong gagawin that weekend, at Mothers Day na rin, naisipan kong umuwi ng balur ni Queen Mother.
So tinawagan ko si Adoray.
10:30 am.
Me: "Adoray, paalis ako ng Makati, uuwi ako ngayon dyan. Hindi na ako magbi-breakfast at dyaan na ako magla-lunch. Gusto ko, ipagluto mo ako ng peyborit ko ha."
Adoray: "Sabihin ko po ba sa nanay nyo?"
Me: "Baket, nanay ko ba magluluto?"
Adoray: "Pwede naman, u-utusan ko sya."
Me: "Gaga! Gusto mo talagang mawalan ako ng mana 'noh?"
Char.
Adoray: "O sige, madam, pero i need a favor."
Me: "Ano 'yon?"
Adoray: "Pabili naman ako ng latest issue ng Time Magazine."
Amfotah! Tuma-Time Magazine pa. Nahiya naman ako. Char.
Dumating ako ng balur ng 12:30 pm.
Gutom na gutom.
Me: "Adoray, nasaan si Queen Mother?"
Adoray: "Nagpa-foot spa."
Me: "O sige, heto ang Time Magazine mo. Maghain ka na, gutom na gutom na ako."
Adoray: "Madam, hindi pa luto."
Me: "Bakeeet? Eh kanina ko pa sinabi sa 'yo na dito ako magla-lunch ah. Hindi nga ako nag-breakfast devah?"
Adoray: "Eh kasalanan ko ba yun? Eh sabi mo ipagluto ka ng peyborit mo."
Me: "Baket, adobo ang peyborit ko. Mahirap ba 'yun? Matagal ba yun?"
Adoray: "Ayyyy... adobo ba? Akala ko kasi...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Once upon a time....
4am.
Kakatapos lang ng ulan.
Isang baklitang mermaid ang hindi makatulog.
Alas 2 pa lang ng umaga mulat na mulat na ang mga mata ng lolah.
Bakit kaya?
Sino kaya ang umiisip sa kanya?
Sa dami nila, wah na syang clue.
Confused ang Bicolanang gabi na tinubuan ng ulalo.
Uu, wala ng mas kakati pa don.
Except opkors sa isang taga Singapore at isang taga Isabela. O ayan ayokong ng mag drop ng names. Basta alam nyo na kung sino kayo.
Hahaha!
Chos!
Naisipan nyang manood na lang ng cable.
Pero walang kwenta ang mga palabas.
Kaya naman naisipan nyang bumangon na lang.
Mainam pang maglakad-lakad.
After mag-apply ng sunblock at isuot ang kanyang Spanx tank top at pekpek shorts, tinahak nya ang tila deserted na kalye.
O di ba ang shunga lang.
Mag sunblock ba ng alas 4 ng madaling araw.
Habang naglalakad, napansin nya ang isang maliwanag na tindahan.
Nilapitan nya.
Bakery pala.
Bigla syang nag crave sa bagong lutong pandesal.
So gorla na ang lolah.
At nakita nya sya....
Takot ako sa dugo.
Nanlalambot ako at nanghihina at the sight of it.
Takot din ako sa ospital.
Never pa akong na-hospital at pumupunta lang ako ng hospital kapag immediate family member ang dadalawin.
Pero isang pakiusap ang natanggap ko.
Isang kaibigan ang nangangailangan ng blood donors para sa kanyang nakatakdang operasyon.
Kinabahan ako.
Pero mas nanaig ang damdamin na gustong makatulong at tumanaw ng utang na loob.
So, pumayag ako.
Halos hindi ako makatulog sa pag-i-imagine kung paano kukunin ang dugo. Kinausap ko si Friendship.
Me: "Friend, di ko alam ang gagawin ko. Paano ba yung procedure?"
Friendship: "Well, they will ask you to fill-out a form, tapos may interview session."
Me: "Anong interview?"
Friendship: "About your health, medical history..... sex life."
Me: "Ha? May ganon?"
Friendship: "Oo, and the questions can be very personal."
Me: "Homaygash! Eh di para ko na rin in-out ang sarili ko?"
Friendship: "Confidential naman yung details. It's between you and the doctor. Pero you have to be very honest."
Mas lalo akong kinabahan.
Parang gusto ko nang mag back-out.
And then I received via SMS yung instruction/requirement prior to donating blood.
1. Fasting ng 2 hours prior.
2. No operation or ear/body piercing within a year.
3. Last blood donation should at least 2 months ago.
4. No tattoo on any part of the body.
5. Should abstain from taking any medicine for 3 days.
I don't have any tattoo. Wala rin akong body piercing. Except for my multi-vitamins, i am not taking any medication and yun nga, never pa akong nag donate ng blood.
Di na ako nakapag breakfast. Not because requirement mag fast but because wala talaga akong gana. Our company driver picked me up at 8am sa balur at parang wala pa rin ako sa sarili na pumasok sa office. Tulala ang lolah.
Pagdating sa office, I asked my staff kung meron na sa kanila nakapag donate ng dugo.
Wala pa daw.
So I asked them again kung sino willing mag donate ng dugo.
One of my staff volunteered.
Yes!
So, I told him na aalis kami ng 3:00pm later to donate blood.
Aktwali, blood nya.
Hehehe!
Before lunch, I received another text message from my friend.
"The other donor did not qualify, baka you know someone who can also donate blood. I need 2 people."
Patay!
So I said to her na, me and an associate will come to donate blood.
We reached the hospital mga 3:30 PM.
We went straight to the Blood Bank.
Lumapit ako sa nurse.
Me: "Excuse me, we are here to donate blood for my friend. She is in room 805."
Nurse: "Sir, pa fill-out na lang po ng form. And then I will be with you shortly."
So my staff and I filled-out yung form. It's a two-page form and true enough, may mga tanong na personal.
After 10 minutes, binalikan na kami ng nurse.
Nurse: "Sir, may interview pa po with the doctor and then may screen test po tayo. If you qualify sa screen test, then blood donation na po tayo."
Me: "Miss, ano yung screen test?"
Nurse: "Bale, Malaria, Hepatitis at HIV test po."
And I felt numb.
Paano kung mag positive ako sa Malaria????
Homaygash!
Maya-maya pa, ay lumabas na yung doctor.
Pakshet! Parang si Slater Young lang ang peg!
World Peace!
Recent Comments