Kapag May Isinuksok...


Hellow!!!


Bago ang lahat, nais kong pasalamatan lahat ng nag-greet para sa ikalawang anniversary ng blog na itey.


Hindi man ako nilabasan, napaligaya nyo naman akong lahat sa mainit na pagbati nyo.


Hihihi!


Pramis.


Well, since eto yung pinaka-unang blog entry ng lolah nyo after the 2nd anniversary chorva, marapat lang na magsimula ako sa pagsusulat ng isang makabuluhang bagay, devah?


Although kailan ba naman akez nagsulat ng walang sense?


Hahaha!


Etchos!


Okey, marami ang nagtatanong sa akin kung paano ko daw na-a-afford yung 'luho' ko na massage including all variations... hahaha!


Parang tinapay lang, may variants pa.


Mayaman daw ba ako?


Malaki daw ba ang kita ko?


May libreng massage daw ba akez from the massage parlors?


So, dahil tinanong, pwes sasagutin ko.  Mapag-patol kasi ang lolah nyo. Hahaha!


Pers, hindi po ako mayaman.  At hindi rin naman kalakihan ang kita ng lolah nyo. Tama lang.


At wala rin po akong tinatanggap at natatanggap na libreng massage from any massage parlors.   Although may natanggap akong offer from them in exchange of 'mentions' dito sa blog, pero I chose not to accept.  I have my reasons. :)


Okey, so ano ang ginagawa ng lolah nyo to afford these massages?


Well, una, I have a sideline.  Pero linawin ko na agad, hindi pagpo-pokpok ang sideline ko ha. Although pumasok din sa isip ko yan dati.


Hahaha!  Etchos!


Dati pag magpa-Pasko, nag-i-interior decorate ang lolah nyo ng mga balur.  Mula sa pag decorate ng Christmas trees hanggang sa buong balur. And the income is WOW!


Pero hindi sha madali.  There was a time na pati bubong, pinapa-decorate sa akin.


Futah! Buwis-buhay talaga.


Bukod sa sobrang kafagod,  Haggardo Versoza at Stress Drillon din ang sideline na itey lalo na't ang mga client mo ay mga shusyalin at metikuloso.  And may times na sobrang kuripot. Hahaha!  Chos.


Kaya binitawan ko na sha.


Then, na-discover ko na kaya ko palang gumawa ng mga AVPs for weddings, birthdays, etc. So ayun ginagawa ko na sya on the side.  Pag keribels lang ng schedule ng lolah nyo.  At sinasabayan ko na rin sya ng rental ng projector.  Hahaha!  Hodevah, ako nah!  Chos!


Pero hindi naman madalas yang sideline na yan, kung bet ko lang saka ako nagko commit.  Most of the time, hindi ko bet.


Hahaha!


Kaya naman para ma-afford ng lolah nyo ang 'luho' nyang massage, mega-tipid sya.


Buti na lang wala akong bisyo.  I don't smoke.  At saka hindi ako namba-babae. Hodevah, revelation yan!


Nung bata pa akez, mahilig akong mag-alkansya.  Nag start akez mga 6 years old.


Naaalala ko pa, yung una kong alkansya, yung basyong container ng pulbos ng lola ko.



Parang ganitey...





















At sa pagtitipid ko, nakaipon ako ng sapat na moolah para sa aking unang BMX bike.


Akala nyo lalaki?


Six years old, lalaki agad?


Oist, hindi pa ako ganon ka-landi noh?


So ngayon, at my age, lalaki nah.


Hahaha!


Alangan namang bike pa rin?


Char.


So ang tip ko, kung may bet kayong boylet, pag-ipunan nyo.  Pers, i-inquire kung magkano ang budget.


Parang ganitey.


Ikaw: "Boylet, magkano ang 'yong dangal?"


Boylet: "2K po."


Syempre tatawad ka.


Ikaw: "Ang mahal naman, wala bang Senior Citizen's discount?"


'Yan ay kung senior citizen ka na.


Ako kasi, hindi pa.  Kaya ang hinhingi kong discount ay...


Off-peak hour discount.


Hodevah.


Hahaha!


Now, linawin mo rin kay boylet kung ano ang inclusions ng package. Ilang oras, anong performance level.  Ganyan.


Mas maganda kung may kasulatan ang lahat ng pinag-usapan para walang lokohan sa bandang huli.  


Kung keri mo, gumawa ka ng contract tapos ipa-notaryo mo.  At least may pinanghahawakan ka, come what may, devah?


Now, kung alam mo na ang budget, it's time to raise the fund.


Mag set ka ng time-table.  'Wag mashadong matagal.  Baka mamaya, tumaas na ang rate ni koya at di mo na afford devah?


Siguro, pwede kang mag overtime sa work.  Magbawas ng extra rice.  Maglakad instead na sumakay pa.  Bawasan ang Starbucks or iba pang luho.  Ganyan.


Yung masi-save mo everyday, ipunin at ihulog sa isang alkansya.


Now, hindi naman kailangang bumili ka pa ng alkansya.


Pwede namang gamitin kung ano ang available sa balur nyo.


Tulad ng empty containers gaya nito....


 

Ay, nakalimutan kong banggitin, mas maganda kung may picture ka ni boylet, tapos idikit mo sa alkansya mo para nakikita mo yung goal mo everyday.  Hodevah?


Hahaha!


Ay, kung ganyan naman ang boylet, hindi lang extra rice ang sacrifice.  Skip ko na ang lunch.  Hahaha!


Pwede ka ring gumamit ng empty perfume containers gaya nitey....




























Tandaan, ang bawat perang hinulog mo is a step closer to your dream boylet.


Kung piso-piso ang hulog mo, malamang nasa retirement age na sya bago mo ma-achieve.  And by that time, libre na sya.  Hahaha!  Chos!


Well, you must also remember na yung pera na  'yon is your hard-earned money.  So pag na-achieve mo na yung budget, paka-isipin uli kung sulit ba ang paysung kapalit ng ilang oras na happiness.


Kung massage lang naman ang habol mo, approximately nasa P300-P500 lang yan.  And I say, sulit na itey.  Parang 2-3 susyaling kape lang ang katumbas nyan.  And I usually do this to reward myself. ;)


At dahil nalalapit na 'rin ang birthday ng lolah nyo, pinaghandaan ko talaga ito.


Minsan lang naman sa isang taon ang kaarawan devah?


Heto po ang aking alkansya...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.




























Hihihi!



Chos!



:)



******************


P.S.  If you still live with your parents, or may roommate ka 'wag mo ng lagyan ng pic. Alam mo na 'yan. Okey?


Mwah!




posted under , , | 50 Comments

Dos Por Dos



Today, my blog turns 2!



Yes, 2 years na tayong naglalandian mga shufatid!



And I am so proud to announce na sa loob ng 2 years na 'yon, 2 readers pa lang din ang naka-tikim sa aking alindog.  Hahaha!



Chos!



Before anything else, ladies and bekis.... let me say THANK YOU beri-beri mats!



417 Blog posts!




406 Blog followers!




1,235,028 page views!



Homaygash!



I love you all!



I never expect na a-abot sa ganito.  Hindi talaga. As in!



Sagad na sya ng bonggang-bongga!



And to my Tweeter followers, all 484 of them.... Mwah! Mwah! Chups! Chups! Talaga!



To my 361 Facebook kalandians.... Thank you na rin.  Hahaha!



At dahil momentous occasion itey, dapat ay may "this is the moment" celebration din devah?



Kaya naman si Jonas - ang aking self-proclaimed resident masseur (hodevah, resident ang peg? Naninirahang tagapindot/lamas ang titul. Parang sa akin na sha nakatira. Hahaha!)  ay nag volunteer at nagplano ng isang di malilimutang selebrasyon.



Me: "Hoy Jonas, ano ngang magaganap?"



Worried lang ako.  Baka kung anong gawin ng mokong na ito.



Magluluto ba sya ng Chopsuey at Menudo?



Parang Fiesta?



O-order ba sya ng Pansit sa Ambers?



Parang birthday?



O mag-o-overnight sya sa balur?




At mag-spooning lang kami buong magdamag.



:p



Hihihi!  Uu, hanggang spooning lang ang kaya kong ibigay sa kanya.



Hahaha!  Chos!



Jonas: "Basta Madam, di mo 'to malilimutan."



Hindi malilimutan?



Weh!




Yun ngang orgy ko last week nalimutan ko na.




Hahaha!




Etchos lang.




Me: "Ay naku, parang alam ko na yan."




Jonas: "Ano yon Madam?"




Me: "Kamasutra massage na naman 'yan."




Jonas: "Hahaha! Parang ayaw mo Madam?"




Me: "Hindi naman. Kase na-experience ko na yan so there's nothing new about it."




Parang walang gana ang drama ng lolah. Hahaha!






Jonas: "Madam, hindi 'to basta-basta Kamasutra Massage."



Me: "Eh ano?"



Jonas: "Twin Kamasutra Massage!"



Me: "Funyetah! Twin Kamasutra Massage?"





Jonas: "Paulet-ulet?"



Me: "Gago! Meaning 2 kayong magtu-Twin Kamasutra Massage sa akin???"



Jonas: "Hindi po. Lima kami, kaya nga po Twin di ba?"



Me: "Funyeta ka!"



Homaygash!  How appropriate naman to the occasion!  Twin Kamasutra massage on my blog's 2nd anniversary!




At bigla kong naisip.....




Sana lang 6th anniversary ko na!










Hahaha!



Chos!




***************



Facebook: http://www.facebook.com/chuni.chuniverse


Twitter: https://twitter.com/#!/MissChuniverse










Ms. Chuni's Night Out


Na-invite mag comedy bar ang inyong lolah.  Sobra syang excited dahil perstaym nyang makakapasok sa isang comedy bar.  Hodevah, inosenteng shunga lang ang peg. Char.


Eh nasa bucket list nya kaya na makapunta sa ganitong venue.   Hindi daw ganap ang pagiging beki kung di ka pa nakapasok sa isang comedy bar.



Kaya to document this momentous occasion, binitbit nya ang kanyang DSLR, at heto ang ganap.


Tanong: "Pogi, nakahawak ka na ba ng suso ng artista?"


















Pogi: "Hindi pa po."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


"O ayan... pagkakataon mo na! Hawakan mo na!!!"

.

"Oh, 'wag ka ng mahiya... dalawahing kamay mo pa!"


















"Teka, baka di maniwala yung mga friends mo na nakahawak ka na ng suso ng artista, dali, pa-picture tayo... ayun tingin ka sa camera!"




















"Pero ikaw ba, nahawakan na yang dibdib mo ng artista?"



"Hindi pa po."



"Pwes, ngayong gabi, masasabi mong nahawakan na yang dibdib mo ng artista!"




















Impeyrness, pinkish ang utong ni koya. Pencil eraser ang peg. Hihihi!




















"Oh, ayan, close na tayo. May friend ka ng artista."





















"Parang nahihiya ka pa? Friends na nga tayo, devah?"




















"Uy, wala namang malisya yon... sige, ikaw naman humawak."



















"Try mo dito..... wala talaga."



















"Eh... naluhuran ka na ba ng artista?"




















"Baka ma-off balance ka, hawakan mo ko sa ulo." 



















"Ang cute-cute mo talaga, kagigil ka."


















"Pa-kiss na lang Papa..."


















"Ayan na nguso ko...hihihi!"



















"Mmmmwwwuuuaaaaah!"




















Funyetang Sweet 'yan, answerte! Wala namang pagtutol na namutawi kay boylet.


Ang saya-saya pala sa comedy bar. Hahaha!


Uu, ambabaw ko lang.


Doon ko na-realized na mali ang pinasok kong career.


Pero hindi pa huli ang lahat.


Hahaha!


Devah mga boylets from the audience?



















Si Young Daddy...



















Si Boylet-Next-Door...



















At sya.....


















..... minahal ko na sya.


Hahaha!


Char.


********************


Haynaku, next week Gay Bar naman.


Chos!


:)


posted under , | 21 Comments

Kumpirmasyon: A Short Story


Matagal na ng huling pumunta sya sa sinehang 'yon.


Pero parang wala pa ring ipinagbago.


Madilim. Mainit.  At puno ng nagpa-paroot-paritong mga parukyano.  Tila mo'y mga gamu-gamo silang naglisaw at umi-ikot sa munting liwanag ng lamparang kinahuhumalingan. Walang direksyon, walang kapaguran.


Pero bakit nga ba sya nagbalik dito?


Marahil ay nais nyang balikan ang dating kanlungang nagsilbing mundo nya noong panahong sya ay naghahanap ng pagtanggap.


Iyon nga ba ang dahilan?


O baka naman umaasang matatagpuan ang isang nilalang na dati ay dito rin nya namasdan.


O nais lang nyang patunayan sa sarili na sya ay tatanggapin pa rin sa kabila ng ilang taong lumipas na kabataan.


Pagbungad pa lang sa entresuelo ay may mga kalalakihan ng nakatayo... tila naghihintay.  Lahat ng mga mata ay nabaling sa kanya na para bang tina-tantya kung papasa sya sa kanilang panlasa.


Dire-diretso syang tumuloy sa loob. Sumandal sa haliging natatapatan ng maingay na electric fan.


Ilang sandali pa lang syang nakatayo ng may lumapit na lalaki sa kanya at tumayo sa tabi nya. Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kanyang kaliwang dibdib at nagsabing...


"Serbis Sir?"


Tiningnan nya ang mukha ng lalaki.  Sa kabila ng dilim ay nakatulong ang munting liwanag mula sa maliit na pulang bumbilyang katabi ng electric fan upang aninagin ito.


Kung ihahambing sa ibang mga parukyano ay may taglay na kakisigan ito. May katangusan na ilong, bilugang mata at makapal na labi.


Nginitian nya ito at sinabing..."Sorry, pare 'di ako nagpapa-service." 



"Wan pipti lang Sir. Magaling ako. Di ka magsisisi." Pilit ng lalaki.




Muli nya itong nginitian at nagpa-alam.   Naglakad sya papunta sa kabilang bahagi ng sinehan.   Muli ay sumandal sya sa haligi at ipinako ang tingin sa pelikulang ni hindi nya napansin kung ano ang titulo.


Lumang pelikula. Magaspang ang kalidad. Sa halagang P80.00, hindi ito ang binayaran ng mga parukyano.


Aliw.


Nang tuluyang masanay ang kanyang mga mata sa dilim, nagpasya syang umakyat na sa itaas na bahagi ng sinehan.


Doon karaniwan nagaganap ang libreng ligaya.


Bawat paghakbang nya, may mga nakakasalubong syang ilang kalalakihang nagpakita ng interes.  May huma-haplos, may huma-hawak.


Sinuklian lamang nya ng ngiti ang mga ito at diretsong naglakad.


Napansin nya ang isang lalaking nakatayo sa pinaka-taas na bahagi.


Tinahak nya ang direksyon nito.


Lumapit sya at tumayo sa tabi nito.


Naka-sando ang lalaki. Nasa 28 ang edad. May taglay na kakisigan.


Tumingin sa kanya ang lalaki.


Nginitian nya ito.


Parang sinisipat ng lalaki ang mukha nya.


Umismid ang lalaki.  Umiling-iling na may halong pangku-kutya.


Nakadama sya ng kurot sa pagka-tao sa ginawa nito.


Ganon ang kalakalan ng sinehan.  May tuma-tanggi. May tina-tanggihan.


Ngayon sya ang talo.


Tanggap nya 'to.


Nilisan nya ang lalaki  at naisipan nyang maupo na lamang sa gilid ilang dipa ang layo mula sa lalaking ito.


Paminsan-minsan ay nililingon nya ang lalaki na ilang beses ring nilalapitan ng iba.


Nakita nya ang mga magaspang na pag-tanggi nito. Yung ilan ay itinu-tulak pa.


Maya-maya pa ay umalis na ang lalaki.


Muli ay tumayo sya at bumalik sa pwestong kanina'y ino-okupa ng lalaki.


May isang lumapit at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang gitnang bahagi.  Marahan nyang inalis ang kamay ng lalaki at nginitian ito kasabay ng pag-tanggi.


Ilang minuto ang lumipas, may umakyat na isang binatang naka-puting t-shirt at maong na pantalon. Kasunod nito ang naka-sandong lalaki na kanina'y magaspang na tinanggihan sya.


Nakatingin ang lalaking naka-t-shirt sa kanya. Tumayo ito sa tapat nya.


Tumitig sya sa lalaki.


Noon nya natanto ang kakisigan nito.  Di hamak na mas makisig ang lalaking ito sa lalaking naka-sando.


Humakbang ng isa ang lalaki.


Halos magka-dikit na ang katawan nila.


Tumayo ang lalaking naka-sando sa tabi nito at niyakap ito.


"Tara, doon tayo, iwan mo na yan..." ang sabi ng naka-sandong lalaki.


Pero tiningnan lamang sya nito at muli ay ibinalik sa kanya ang maamong tingin.


Nagtitigan sila.


At walang sabi-sabi'y hinalikan sya ng lalaking naka-t-shirt.


Matamis ang halik.


Na naputol ng muling hilahin ng lalaking naka-sando ang gwapong binata.


Hindi nya alam kung makikipag-hilahan ba sya at aagawin ang binata mula dito.


Pero nagsalita ang binata at tinanong sya.


"Gusto mo ba syang kasali?"




Nagulat sya pati na rin ang lalaking naka-sando.


Tatlo.


Magkasalo.


Hinalikan nya ang lalaking naka-t-shirt.


"Ayoko ng tatlo. Gusto ko dalawa lang tayo."




Tumingin ang lalaking naka-t-shirt sa naka-sando at nagsabi... "Sorry, ayaw nyang kasama ka."




Natigilan ang lalaking naka-sando.


Hindi sya handa sa ganoong kaganapan.


Pero bago tuluyang umalis bumulong sya sa lalaking naka-sando at sinabing...


"Oh, choosy ka pa kasi 'teh. Oh di ngayon knows mo na kung sino sa atin ang mas maganda."


Sabay walk-out with the boylet.


The end.




Ang Jollijeep



Minsan pag gutom na ako and I want an instant fix, bumababa na lang ako ng condo to buy from the neighborhood turo-turo na Jollijeep sa  Salcedo Street.



Tapos, mina-microwave ko na lang and ayun, lafang galore.



So masa pero how convenient devah?




Kahapon, i feel like eating Manang's adobo so punta naman ako.


 Gusto ko kasi yung timpla nya ng adobo, di matamis, di rin mashadong maasim.



And I believe na safest ang adobo bilhin sa mga ganitong venue.



Itong si Manang, kabiruan ko 'to.  Baklang matrona kasi ito.  Madaldal.  Kaya ka-aliw.  Minsan pang nagbi-beki sya, sinasagot ko rin ng beki.



Pero 'di daw sya naniniwalang bakla ako.



Mukha daw kasi akong gago.



Hahaha!  Chos.



At dahil prends kami ni Manang, minsan binibigyan pa ko nito ng libreng gulay.



Wearing nothing but my skimpy shorts, havey na havey tsinelas  and an old t-shirt, i traversed Salcedo St.



Pag ganung oras, lutang na lutang ang lolah nyo.



Kasi ako lang ang nakapambahay sa Makati Commercial Business District.  Eh sayang naman ang oras pag nag necktie pa, devah?  Char.




Usually, pag 5:30, wala ng mashadong customer si Manang.



Pero kahapon parang andami pang kumakain.  Puro dine-in sa kapirasong 'bar-table' ni Manang.   Mga messenger yata iyon at ilang nag-o-opis.



So, kebs na, nakisingit naman ako.  Napansin ko ang mga mapanuring tingin ng mga tao sa paligid.  Gusto kong sabihin sa kanilang...



"Haller, mukha lang poor ang outfit ko 'noh pero dyaan ako nakatira sa shusyaling building 'noh."



Pero dedma lang. Kumuha ako ng isang supot ng adobo.  Inilagay ni Manang yung adobo sa paper bag tapos inabot ko yung bayad.  



Nang biglang tumawag yung staff ko.



Sinagot ko yung phone. 



Kinuha ko yung adobo at naglakad na pauwi.



Hindi pa ako mashadong nakakalayo...



...biglang sumigaw si Manang.



"Bakla! Yung sukli mo!"



Napahinto ako.  Ambilis nag-calculate ng utak ko.



P50.00 yung binayad ko.



P40.00 yung adobo.



May sukli akong P10.00.



Niyakap ko ang adobo sa aking dibdib at napapikit.



Funyeta!



Hindi ako lumingon.



At dahil hindi sapat ang P10.00 para ibangon ang nadungisang refutasyon..... 




....hindi ko ko na binalikan ang sukli.




Char.



:)








posted under , | 43 Comments

Weekend With Adoray


At dahil wala naman akong gagawin that weekend, at Mothers Day na rin, naisipan kong umuwi ng balur ni Queen Mother.



So tinawagan ko si Adoray.



10:30 am.



Me: "Adoray, paalis ako ng Makati, uuwi ako ngayon dyan. Hindi na ako magbi-breakfast at dyaan na ako magla-lunch.  Gusto ko, ipagluto mo ako ng peyborit ko ha."



Adoray: "Sabihin ko po ba sa nanay nyo?"



Me: "Baket, nanay ko ba magluluto?"



Adoray: "Pwede naman, u-utusan ko sya."



Me: "Gaga!  Gusto mo talagang mawalan ako ng mana 'noh?"



Char.



Adoray: "O sige, madam, pero i need a favor."



Me: "Ano 'yon?"



Adoray: "Pabili naman ako ng latest issue ng Time Magazine."



Amfotah! Tuma-Time Magazine pa.  Nahiya naman ako. Char.




Dumating ako ng balur ng 12:30 pm.



Gutom na gutom.



Me: "Adoray, nasaan si Queen Mother?"



Adoray: "Nagpa-foot spa."



Me: "O sige, heto ang Time Magazine mo. Maghain ka na, gutom na gutom na ako."



Adoray: "Madam, hindi pa luto."



Me: "Bakeeet? Eh kanina ko pa sinabi sa 'yo na dito ako magla-lunch ah. Hindi nga ako nag-breakfast devah?"



Adoray: "Eh kasalanan ko ba yun? Eh sabi mo ipagluto ka ng peyborit mo."



Me: "Baket, adobo ang peyborit ko.  Mahirap ba 'yun?  Matagal ba yun?"



Adoray: "Ayyyy... adobo ba? Akala ko kasi...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


















.... di bale Madam, 2 hours na lang luto na sha. Ang hirap kasi magpa-uling!"



Char!



:)

posted under , | 15 Comments

Si Aryana at ang Pandesal: A Short Story


Once upon a time....



4am.



Kakatapos lang ng ulan.



Isang baklitang mermaid ang hindi makatulog.



Alas 2 pa lang ng umaga mulat na mulat na ang mga mata ng lolah.



Bakit kaya?



Sino kaya ang umiisip sa kanya?



Sa dami nila, wah na syang clue.



Confused ang Bicolanang gabi na tinubuan ng ulalo.



Uu, wala ng mas kakati pa don.



Except opkors sa isang taga Singapore at isang taga Isabela.  O ayan ayokong ng mag drop ng names.  Basta alam nyo na kung sino kayo.



Hahaha!



Chos!



Naisipan nyang manood na lang ng cable.



Pero walang kwenta ang mga palabas.



Kaya naman naisipan nyang bumangon na lang.



Mainam pang maglakad-lakad.



After mag-apply ng sunblock at isuot ang kanyang Spanx tank top at pekpek shorts, tinahak nya ang tila deserted na kalye.



O di ba ang shunga lang.



Mag sunblock ba ng alas 4 ng madaling araw.



Habang naglalakad,  napansin nya ang isang maliwanag na tindahan.



Nilapitan nya.



Bakery pala.



Bigla syang nag crave sa bagong lutong pandesal.



So gorla na ang lolah.



At nakita nya sya....










Dagli syang nag-inquire.



"Koya, may pandesal ka ba?"



Sumagot naman sya.. "Oo naman, ilan ba ang gusto mo?" sabay ngiti ni koya at kamot sa kanyang tiyan.



Napasinghap ang baklitang si Aryana na sa singit lang tinubuan ng kaliskis...



"Ilan ba ang meron ka?"



Muli ay sumagot si wafung kuyang baker...



"Bakit, ilan ba ang kaya mo?"



Para nasamid sa tubig-dagat ang starlet na sirena,  pero nakabawi agad...



"Kakayanin ko naman kung ilan ang ibibigay mo."






Kung ako si koyang baker, papalamunin ko 'to ng mga 2 sakong pandesal.



Pero may pahabol tanong si chinitong papa...



"Gusto mo ba tostado?"



Napaisip naman ang bida, masarap din kaya yung medyo maitim? Why not? At pa-demure na sumagot... "Kahit ano basta galing sa 'yo. Hihihi!"



Yun naman pala. Sana binigyan na lang ng isang upper-cut ang bakla.  Hihihi!  Chos!



At inabot ni papa kay Aryana ang isang supot ng mainit pang pandesal sabay wika...



"Alam mo ba, masarap ang pandesal pag sinawsaw sa gatas?"



Nag-blush ang bruha na kanina lang ay parang mabi-bilasa na.  Na realized nyang masarap palang maging tao.  Ayaw nya ng maging bumalik pa sa pagiging sirena.



At simula ng umagang 'yon, hindi na nagra-rice for breakfast ang baklita.



The end.




posted under | 51 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments