Ang Tamang Pag-Share Ng Bad News
Hindi akez ang sumulat nitey. May nag-share lang sa akin kaya share ko lang din sa inyo.
:)
****************************
Kumiriring ang telepono nang madaling araw....
Helper: "Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
Amo: "O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. ano at napatawag ka? may problema ba?"
Helper: "Umm, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot"
Amo: "Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?"
Helper: "Opo, Master Carlos, yun na nga po."
Amo: "Ano?! ... Sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yon. Hay, buhay! teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
Helper: "E, kumain po kasi ng bulok na karne..."
Amo: "Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
Helper: "Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
Amo: "Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Arnaldo?"
Helper: "Eh, yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
Amo: "Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
Helper: "Yun pong pinampatay namin ng sunog."
Amo: "Diyos ko po! Anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?"
Helper: "Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy..."
Amo: "Ano? E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan yung kandila?"
Helper: "Para sa burol po."
Amo: "Ano? Kaninong burol?"
Helper: "Sa nanay nyo po, sir. Bigla kasi siya dumating dito nung isang gabi, Walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
:)
20 comments:
kml: kin**tot ng malas. lol
@Citybuoy... KML. Ayan, may natutunan ako sa yo. Hahaha! :)
kawawa ampotek. hahaha!
Malas talaga. Hahaha!
Post ka naman re Ms. Universe, misschuniverse.
@JC... Uu, nahabag talaga ako sa kanya. :)
@SF... Sabi nga ni Citybuoy -KML!!! :)
Ikaw na talaga teh ang merong guest bloggers
Mabuhay ka Ms Angola!
ito na ang wholesome funness!
@Bien... Talagang Angola? Hahaha! Yeah, gawin mo syang 2 shades lighter at ako naah. Choz! :)
@Kiks... Korek! Bagay ba sa kin? Ang magpaka-wholesome? Hihihi! :)
ahahahaha!!! kaloka ito!!!
Hahahaha... At least haciendero si papa... Me farm.. Char
Ryan
ay, nagsanga-sanga na.. hala..
parang killing me softly.
at least hindi sagad di ba? dahan-dahan. Kumbaga nilagyan ng maraming lube para di gaanong masakit, then dinahan-dahan. hehehe
ano daw?
@Ceiboh... Korek! Hagalpak ako sa tawa ng mabasa ko to. :)
@Nate.... Ayoko na tuloy bumili ng farm. Choz! :)
@Papa P.... Hahaha! Lahat talaga may konek don? Dingding oh... hihihi! Choz! :)
windang naman, award sa series of unfortunate events lol
sabay sabay: NGEEEEEEEEEE! LOL
kahit nabasa ko na to before hindi ko pa rin mapigilan ang matawa.. :P
ahahaha. Galing ng Katiwala please. :D
Ha ha ha! Ikaw na talaga ang pinaka sa pang a aliw! ROLF here.... pa share Ms. Chuni
@Green Breaker... Uu, yan ang tinatawag na binagsakan ng langit at lufa. choz!
@Shenanigans... Kung ako yung amo, siguro ito-torture ko si helper ng vonggang-vongga. choz!
@Jeni.... aliw pa rin devah? Hihihi! :)
@RonRon... kaya ako nata-typecast na humor blog eh, well in fact i aimed to be the sexiest blog cheverlu evah. choz. :)
Post a Comment