My Thursday Cravings



Para akong buntis na naglalaway.



Gusto ko ng ulam na pwede kong isawsaw sa suka at siling ma-anghang.



Tapos lots of fried rice.



Ang perfect match nito ay DAING.



'Yung kapag pinrito mo ay medyo crispy.



Ang secret sa masarap at crispy daing, dapat dry na dry ito bago mo i-prito.



Kung hindi dry ang nabili mo, ibilad mo muna sa araw.



Parang ganito lang....





















Pero, 'wag kalimutang bantayan ang inyong daing...



baka kasi kaiinin lang ng PUSA.



Sayang naman devah?





Himas, Pindot at Lapirot

Last week.

Alas nueve na ng gabi. Medyo mabigat pa rin ang aking pakiramdam.

Masakit ang aking mga kasu-kasuan.

Para akong na gangbang ng 2 pedicab drivers sa kanto ng Pasay Road.

Sana nga na gangbang na lang. Kaso hinde.

Worried ako, feeling ko kasi ta-trangkasuhin aketch. Eh sinong mag-a-alaga?

Wala.

Gusto ko sanang mag-pahilot. Kaya lang, sarado na ang massage clinic sa Don Bosco. Doon kasi ako nagpapa-hilot.

Sa mga bulag.

Yes, blind masseurs. ‘Yan na yata ang epitome ng pagka-DSWD ‘ketch.

Saka hindi ako sanay ipakita basta-basta sa mga strangers lang ang hubad kong katawan. No!

‘Coz you all know… my body is wonderland.

Pero na-alala ko, may bagong bukas na massage parlor malapit sa amin. Alam ko may flier ako non eh. Todo hanap. Pero hindi ko makita kung saan ko nilagay.

Sinubukan kong i-browse sa internet, ayun nakita ko.

Hindi ko na sasabihin ang name. Baka isipin paid advertisement at nabiyayaan ako ng gift certificate o libreng salat.

Anyway, text agad aketch sa number.

Me: “Pwedeng magpa-touch therapy, home service. 10:00 PM?”

Massage Parlor: “Yes, name nyo po saka saan po kayo?”

Me: “Ms. Chuniverse. Dito lang sa Washington St., lapit lang sa inyo. How much?”

MP: “P250.00 per hour, home service.”

Wow, mura na ‘yon! ‘Yung iba, P350.00 ang minimum charge. ‘Yun ngang bulag na nagma-massage sa ‘kin P400 plus ang charge per hour for home service. Kunsabagay may taga-akay pa 'yon.

Hmmmm……

Me: “Marunong ba naman ‘yung mga masahista nyo?”

MP: “Yes, Sir. Trained po sila. Babae po ba o lalaki?”

I can’t imagine na hawak-hawakan ng isang girlalu ang katawan ko. Whiz kong pinangarap maging timberlu. Baka mangilabot lang aketch.

Me: “Syempre lalaki. Sige, 10PM ha.”

MP: “Ok Sir.”

Hindi ako mapakali. Kasi nga hindi bulag ‘yung magma-massage sa ‘kin. Isang lalaking most likely ay 20/20 ang vision. Na bawat curves ng katawan ko ay masa-sight.

As if curvaceous ang bruha..

Paano kung hindi sya masyadong professional sa trabaho nya at pag nakita nya ang hubad kong katawan ay magkaroon sya ng pagnanasa at ma-arouse.

Paano kung dumako ang mga kamay nya sa mga bahaging bukod tanging mga ka-ex ko lang ang naka-explore.

Baka mag-react ang mga naka-fling at naka-ONS! Hahaha!

Haaaaayyyyy…… exciting! Este, frightening!

Kaya bago pa man dumating ang masahista, naligo na aketch. Naghilod ng buong katawan at kiniskis ng sabon ang kasingit-singitan. Syempre, malay natin amuyin nya accidentally.

Past 10 na, wala pa ang masahista. Hmmmm… nag back-out kaya at na-insecure sa aking kagandahan? Pero hindi pa naman nya nakikita ang dyosang kanyang pagsisilbihan.

Nang biglang may kumatok sa gate. Oo, wala kaming doorbell. Chipipay. Kailangan mong maglabas ng piso at itaktak sa gate na gawa sa bakal para marinig ko.

Lapit kaagad ako at pinagbuksan.

Amfootah. Sya na nga! Pinagmasdan ko ang kanyang fez at body.

Gusto ko. Gusto ko ang lalaking nasa aking harapan.

Matangkad, maputi, chinito at malinamnam – just like how I want them.

Medyo faux-mohawk ang buhok, maputi at naka maroon na uniform na parang deboto lang sa Quiapo.

Me: “Anong name mo?”

Him: “Erwin po.”

Sya pala si Erwin. Pero parang iba ‘yung picture nya sa website. Mas gwapo sya in person.

Me: “Halika pasok ka. Dali!!! Angkinin mo na ako.”

Choz!

Dinala ko sya sa kwarto.

Me: “Anong specialty mo?”

Specialty? Ano ‘yan cook? Eh kung sumagot ng ‘sinigang’? Ang shunga ko lang magtanong.

Him: “Try nyo Sir ‘yung combination ng Shiatsu at Swedish massage.”

Me: “O, sige. But can you massage me wearing this…. Wearing only this…..”










Kung si ateng Rose ay kwintas lang ang suot, ako naman ay blush-on lang.

Choz! Syempre hindi naman ako ganon ka landi noh. May konting hiya pa naman sa aking katawan. Kaya naman t-shirt at manipis at lumang white boxer shorts lang ang outfit koh.

Manipis para ma-aninag nya ang Pearl of the Orient.

Him: “Ok lang Sir.”

Hala, wala man lang libog at hesitation ang kanyang sagot. Mukhang hindi natatakam sa aking Liz Alindogan. So may I remove na ako ng saplot na t-shirt at dumapa sa kama.

Pero may naalala ako.

Me: “Wait.”

Him: “Bakit po?”

Me: “Pwede ba nating patayin ang ilaw? Para hindi ka masyadong ma-tukso.”

Him: “Ok lang po.”

At matapos angkinin ng dilim ang paligid ay muli akong dumapa sa aking makasalanang kama.

Him: “Sir, gusto nyo po ba mild o hard.”

Syempre mas masarap ang matigas este hard. Pero ayoko namang magka-pasa.

Mabilis kasing magka-pasa ang katawan ko pag may regla .

Eh katatapos lang ng quarterly period ketch. Oo, quarterly ang period ko. Tipid sa pasador. Hihihi!

Me: “’Wag masyadong hard ha, gusto ko banayad lang.”

Him: “Sige po. Eto Sir, ok na ba ‘yan?”

Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh…………. Ang sarap ng himas nya kasabay ng mga pindot. I must admit, mas magaling sya sa lahat ng mga bulag na humawak sa aking katawan. Haaay… bakit ngayon ko lang sinubukan tohhh!!! Baaahhhkeeettttt?????

Me: “O-ohhhh…. Ganyaannnn laannngggg! ”

Hahaha! Humalinghing pa ang baklita.

Him: “Sir, pwede ba akong mag-hubad?”

ANO? Tama ba ang nadinig ko? Maghuhubad sya? Ohmygasss!!! ‘Wag poooo!!!

Kunsabagay, nakita na nya ang katawan ko, it’s only fair na makita ko ang kanya.

Me: “Sige… ok lang…”

Hihihi!

Ang ganda ng katawan nya. May tumulong 3 droplets ng laway sa akin.

Sumampa sya muli sa kama at marahang naupo sa bandang puwitan ko. Sakto. Tapat na tapat - ang susi sa pinagsu-susian.

Him: “Ang dami nyong lamig Sir ah.”

Me: “Oo nga eh… hayaan mo mamaya, mag-iinit na ‘yan.”

Him: “Hahaha! Kayo Sir ha.”

Anong ako? May nasabi ba kong funny? Inosente kaya ako sa mga bagay na ‘yan.

Gusto ko sanang ma-idlip pero gusto ko ‘ring buhay ang aking diwa just in case na mag-take advantage sya. Just in case lang naman. Wishing and hoping ang lolah mo. Ayoko kayang mag-initiate noh.

Buti na lang nag-kwento sya habang diretso masahe.

Dati daw syang scholar or varsity swimmer to that effect. Kaya pala ang ganda ng upper body nya. Parang cobra ang tagiliran. Tapos ay naging security guard daw sya sa Nueva Vizcaya. Boring daw. Kasi Mining daw yung binabantayan nya at sobrang lamig pag gabi na.

Him: “Sir, ibababa ko ang shorts mo ha.”

Me: “Huh… sige, do whatever you want. ‘Wag ka ng humingi ng permission. Payag na ako kahit ano!”

Muling dumampi ang kanyang mga palad at daliri sa aking matambok at supple butt.

At nilamas-lamas, hinimas-himas na nya. Sige lapirutin mo pa Papa! Kung makahagod sya ay parang lumalamutak lang ng dyoga ng dalaga. Ang shaaarrrraaaaaapppp!!!

Is that your finger? Oh the finger… not the finger… YESSS the finger…!!!!

Putangnangsheeeetttttt!!!!!!!

Sinong nanay mo?

SINONG NANAY MOOOHHHHH????!!!!????

(NSFW, listen at your own risk!)



Na-over lang sa pagka-keri.


Back to reality.

Tinanong ko naman sya kung matagal na syang masahista. Bago pa lang daw. Nag train daw sya sa isang kaibigan na masseur sa Asian Massage tapos one month pa lang daw sya sa pinapasukan nya ngayon. Gusto daw nyang maka-ipon para makapag-aral uli. Masipag na bata. May ambisyon.

Tanong uli aketch.

Me: “Eh paano kung bakla ‘yung customer mo at hinipuan ka?”

Nangyari na daw ‘yon. Nagulat nga daw sya nung una.

Me: “Eh anong ginawa mo?”

Him: “Tinayuan ko po Sir.”

Me: “Tinayuan ka?”

Him: “Hahaha! Hindi po. Tumayo po ako. Sabi ko po, hindi po ako ganon. Masahe lang po talaga ang serbisyo ko.”

Me: “Ahhh… ok.”

At bumagsak ang aking wet & wild ambition ng gabing ‘yon.

Magdi-dildil lang pala ako ng asin.

Hahaha!

Him: “Pinapaliwanagan ko naman po Sir. Kasi alam ko naman na ‘yung iba ay extra service ang habol. Kaya lang po hindi po ako ganon.”

Me: “Ay, ako rin. Hindi ako ganon. Massage lang ang habol ko.”

At tinamaan ng kidlat ang sinungaling na bakla. Tostada. Hahaha!

Him: “Buti naman Sir. Although alam ko ‘yung mga ibang kasama ‘ko pumapayag sa ganon.”

Me: “Ay, sino don?”

Hahaha!

Him: “Ayoko na pong magbigay ng pangalan. Diskarte po nila ‘yon eh.”

Me: “Ilan ba kayo lahat na masahista?”

Him: “Labing isa po.”

Labing isa?

So bago ko malaman kung sino ang nagpapa-extra service ay kailangan kong i-try isat-isa? It’s for me to find out ang drama?

Eh sa dami nila parang naging tourist spot na ang hubad kong katawan. Sabi ko nga… my body is wonderland pero hindi naman Disneyland. I value the little privacy that I have. Choz!

Me: “Ay, happy na ako sa massage mo. Ang sarap. Gumagaan ang pakiramdam ko. Parang may healing powers ang mga kamay mo. Hihihi!”

‘Yung one hour na massage ni Erwin ay lumagpas pa.

Success!











Hindi sya yung tipong nagmamadali. Siguro nga kasi win na win sya sa pagtunghay sa aking body beautiful. After the session, nawala yung iniinda kong mga sakit ng katawan. Sobrang sarap ng feeling. Oo, kahit walang extra chuva. Saka hindi naman talaga iyon ang habol ko noh.

Weh?!?

Oo nga. Massage lang talaga. Sabi ko nga, sya uli ang kukunin ‘ko next time. I gave him a medyo generous na tip kasi woth it naman.

Akala nyo may chorvahan noh?

Wala.

This only mean na kaya ko ring magpaka-dalisay noh.

Puti kaya ang budhi ko hindi ecru.

Haaayy…. Heniway, that was last week pa. Sumasakit uli ang mga kasu-kasuan ko. Kailangan ko uli ng himas, pindot at lapirot. Schedule ko uli si Erwin this weekend.

P.S.

Si Dexter ay nahalinang magpa-masahe din last Saturday at ang nakuha naman nya ay si Julius. Mas gwapo ang Julius sa picture. Pero super galang din in person. Kulang na lang ay mag-mano sya sa akin sa sobrang galang.

But I will stick to my Erwin. At least marunong syang mag resist na angkinin ang aking puri. Hindi sya marupok gaya ng iba. Hahaha!

Pero according to Dexter, magaling din daw mag-masahe ang Julius. Isang araw, susubukan ko rin sya! Tingnan natin kung paano sya mag resist!

=)

posted under | 44 Comments

My Vajayjay




8 Miles Wide

all of my life
I've never fit
but I won't complain and I won't quit
I am enormous
get used to it
everyone tells me I'm too much
maybe it's just you're not enough for me
can't you see
I'm the kind of the woman I'm supposed to be

[chorus]
my vagina is 8 miles wide
absolutely everyone can come inside
if you're ever frightened just run and hide
my vagina is 8 miles wide

tell me what is womanly to you
strong but not too much of a brute
it's cool if she's powerful
but way better if she's cute
for all of us girls who don't fit in
I say go Amazonian
you can be a kick-ass bruiser
and be feminine

[chorus]

now I am not loose and I'm not a whore
this is a metaphor for
my super vigantastically mystical feminine goddess core
and I hate it when women make that noise
that we don't need daddies, men or boys
even the hard-core dykes like
cock-shaped sex toys

[bridge]
my vagina
it's universal
like a penis
but reversible
come on in, the water's fine
it's not my vagina
it's our vagina

[harmony chorus]
[just the boys]
[everyone]

wide
wide
vigantic
vigantic
vigantic
a big big love
vigantic
vigantic
vigantic
a big big love

posted under | 12 Comments

This Is Really It!


Walang kokontra.

















I Remember The Boy...


Wala akong service that day, so take ng LRT ang prinsesita papuntang planta.


U.N. Avenue. My stop.


Pagbaba ko ng train, diretso agad ako sa exit nang may tumapik sa balikat ko.


Napalingon ako.


Si Ex-Hubby Doc.


Naka-uniform sya ng pang Pedia. Mukhang pagod at puyat.


Not as good looking nung kami pa. Choz!


Him: “Musta na? Saan ka pupunta?”


Me: “Sa planta. Ikaw?”


Him: “Papasok na. Nakita kita kanina ng sumakay ka ng train. Hindi ako nakalapit agad kasi ang daming pasahero.”


Me: “Saan ka na pumapasok ngayon.”


Him: “Dyan…” sabay turo ng hospital.


Me: “O sige, ma-una na ako.”


Him: “Sige….”


Nakangiti akong naglakad.


Wala ng pain.


Tapos na ang babang luksa. =)





Remembering My First Kiss


I couldn't.


Di ko talaga ma-alala.


But i know mine was nothing like this...



posted under | 22 Comments

Dear Diary

Isang araw, binisita ako ni Edong habang nag-aararo ako ng bukid sa strawberry farm ni Ditseng Goya. Wala kasi kaming kalabaw kaya mano-mano kong binubungkal ang lupa.

Kababata ko si Edong. Aaminin ko, crush ko sya. Ang gwapo nya. Sya na yata ang pinaka-gwapo sa barrio namin.











Tumatagaktak ang pawis ko ng oras na 'yon habang nagbu-bungkal alas dose ng tanghali…

Sabi ni Edong…

“Tutulungan na kita.”

Ang sweet sweet nya pero ang sabi ko naman….

“Wag na, kaya ko ‘to.”

Hindi na sya nag-insist.

Kaya naman kinaya ko na lang. Para pitong ektarya lang naman ang strawberry farm ng aking ditse.

‘Yun nga lang medyo masakit lang sa likod at batok ng slight. Not to mention my legs. May kabigatan kasi ang 30 kilo na bakal na araro. Sabi ko nga kay Ditseng Goya…

“Ditse, sana makabili na tayo ng kalabaw, may kalyo na kasi ang nape at shoulder ko.”

Sabi naman ni Ditseng Goya…

“Pag-tyagaan mo muna Chuni, in 5 years, makakabili na ‘rin tayo kung maganda ang ani.”

Tuwang-tuwa ako non, kasi matatapos din pala ang hirap ko. 5 years lang naman. Kaya gumawa ako ng countdown, parang Pasko lang. 1,826 tulog na lang, may kalabaw na kami!

...............................

Dear Diary, hindi ko alam, may lihim din palang pagtingin sa akin si Edong.

Niligawan nya ako.

Dinadalhan nya ako ng dahon ng malunggay, talbos ng kamote, bulaklak ng kalabasa at alugbati. Ginagawa ko namang bulanglang o minsan ay diningding at sabay naming pinagsasaluhan.

Pero tutol ang aking Ditseng Goya sa aming namumuong relasyon.

“Hindi ka pa pwedeng mag-asawa Chuni! Kailangan ka sa bukid!”

Masakit sa dibdib Dear Diary.

Hindi ko naman tinatalikuran ang responsibilidad na mag-araro sa bukid kahit magkatuluyan kami ni Edong.

In fact, para pumayag si Ditseng Goya, ako na rin ang sumasalok ng tubig para idilig sa bukid mula sa ilog.

Hindi sa nagrereklamo ako pero effort ‘yon dear Diary.

Kasi mabigat yung timba ng tubig pero malapit lang naman ang ilog.

Sabi nga ng kaklase kong si Sigourney na nakarating na sa Maynila, parang Cubao hanggang Trinoma lang daw ang layo.

Cubao Ibabaw nga daw pala.

Habang sumasalok ng tubig, ina-aliw ko lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-awit ng favorite song kong “Telephone’ ni Lady Gaga na madalas kong madinig sa radyo. Favorite ko nga ‘yung line na…

“I have got no service

In the club, you see, see”

Siguro mga 30 times na ulit ko lang kakantahin yung song bago ako maka-isang balik sa ilog. Again, not that I’m complaining ha.

Isang araw, in-intercept ako ni Edong upang kausapin. Sabi nya…

“Chuni, sumama ka na sa akin. Mag-tanan na tayo.”

Hindi ko sya masagot. Paano na si Ditseng Goya? Paano na ang bukid?

“Chuni, aalis na ‘ko sa lugar na ‘to. Kung hindi ka sasama, aalis akong mag-isa.”

Dear Diary, mahal ko si Edong. Hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko. Kaya naman hindi ko na inisip pa ang galit ni Ditseng Goya. Nag-iwan na lang ako ng note sa balde ng tubig.

Ditseng Goya,

SohWeE p0uh! Sxuma2 nha aKho ke Edong. Xana pouh Mptawad me.

Love, Chuni

Alam kong maiintindihan din ako ni Ditseng Goya sa aking naging desisyon. Kaya kahit duster lang ang suot ko, sumama ako kay Edong sa Maynila.

Hindi man ako sanay sa buhay syudad ay kinaya ko dahil kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko. Kahit mahirap lang, hindi ko ininda. At least unti-unti ng gumagaling ang kalyo ko sa batok at shoulder. Pero nami-miss ko pa rin ang pag-aararo.

Dear Diary, ang akala kong masaya at tahimik kong buhay ay nakatakda palang magulo.

Minsan kasi habang naglalaba ako, may dumating na lalaki sa aming bahay.

Si Dencio…















Tila ako namalikmata. Pagka-gwapo kayang lalaki.

“Nandyan ba si Edong?” tanong nya.

Sumagot naman ako. “Wala po Sir.”

Him: “Wag mo na akong tawaging Sir. Ako si Dencio, kumpare ni Edong.”

Me: “Ganon po ba. Nasa trabaho po sya.”

Him: “Siguro ikaw si Chuni ano?”

Me: “Ako nga po.”

Him: “”Wag mo akong po-puin.” Sabay abot ng kamay.

Kinuha ko ang kamay nya at nag-mano.

Him: “Oh, bakit ka nagmano?”

Me: “Ay, pasenysa na po, nataranta lang ako.”

Him: “Sabi na sa ‘yo, wag mo na akong po-puin eh.”

Me: “Ay sige po. Ay, sorry po. Ay, sorry pala. Hihihi.”

Him: “Ang ganda mo pala. Ang swerte naman ni Edong sa ‘yo.”

Me: “Hindi naman masyado. Hihihi!”

Him: “Sige, tuloy na ‘ko. Sabihin mo na lang kay Edong dumaan ako.”

Me: “O sige.”

At umalis na nga sya subalit kumindat pa. Hanngggwaappppo talaga Dear Diary. Akala ko si Edong ko na ang pinaka gwapo sa lahat pero may mas gwapo pa pala. Simula noon, hindi na nawaglit sa isip ko si Dencio. Parang nasasabik na akong makita syang muli.

Naguguluhan ako Dear Diary.

Hanggang isang hapon, dumating si Edong na kasama si Dencio. Mag-i-inuman daw sila sa bahay. Natuwa ako ng makita ko si Dencio. Pero nakaramdam din ako ng takot sa aking nararamdaman.












Nararamdaman ko ang mga lihim na pagtingin nya sa akin. Ilang beses nya rin akong nahuhuling sinusuklian ang kanyang mga tingin at ngiti.

Nang malasing si Edong ay nilapitan ako ni Dencio. Sinabi nya sa kin ang kanyang nararamdaman.

I’m so confused.

Kahit nandoon at nakatulog sa kalasingan si Edong ay naganap na nga ang pag-angkin ni Dencio sa sariwa at bubot kong katawan.

Oo dear Diary…

NAG-PAUBAYA AKO.

IBINIGAY KO SA KANYA ANG LAHAT-LAHAT.

Matapos nyang malasahan ang aking diningding ay nagwika sya…

Mahal na nya daw ako.

At kung maaari ay sumama na ako sa kanya.

Sinabi ko kay Dencio na naguguluhan ako. Mahal ko sya pero mahal ko rin si Edong.

Dear Diary, hindi ako sumama kay Dencio ng gabing ‘yon.

Pero iyon ang naging simula ng aming lihim na relasyon.

Pero gaya nga ng kahit anong lihim, nakarating kay Edong courtesy of our dalahirang kapitbahay ang paglalaro ko ng apoy with Dencio.

Kinompronta nya kami.

Subalit nakahanda rin si Denciong ipaglaban ako.

At pinag-awayan nga nila ang aking puso, ang aking pag-ibig.











Sinubukan ko silang awatin pero patuloy pa rin sila sa pagtutunggali. Ganoon sila ka serious makamit ang aking pagmamahal.












Nakaramdam ako ng konsensya Dear Diary.

Nasira ang kanilang pag-kakaibigan dahil lamang sa aking kagandahan.

Kaya habang nagpapalitan sila ng suntok at sipa, ako na ang kusang lumayo.

………………….

Ngayon, nandito ako muli sa bukid ng aking Ditseng Goya.

Balik sa malungkot at simple kong buhay. Balik sa pag-aararo ng bukid.















“Maraming salamat Ditse at napatawad mo ako. “

Ditseng Goya: “Sana ay madala ka na sa nangyari.”

Me: “Oo naman. Ditse, magkaka-kalabaw na ba tayo? Masakit kasi talaga sa likod eh .”

Ditseng Goya: “Kung hindi ka sana nag-tanan, malapit-lapit na. Ngayon, balik tayo sa 1,826 na tulog.”

The End.

………………..

Uuuuy, FICTION lang ‘to ha. Pantasya lang ng alibughang reyna.

Atin-atin lang. Baka hantingin ako nung dalawa at pagtulungang dyombagin.

Hahaha!

posted under | 44 Comments

Vonggang Vonggang Bong-Bong!

Nagbabayad ako ng bills ko sa SM Makati ng mapansin ko ang isang lalaking nakatingin sa akin. Naka-upo sya sa bench o waiting area ng Payment Center.

Wiz ko type makipag eye to eye that time.

Dedma lang.

Natapos na akong magbayad.

Gulat aketch. Nandon pa rin sya at nakatingin sa akin.

Stalker?

OO, sa tingin ko ay isa s’yang lalaking may marubdob na pagnanasa sa aking alindog.

Kunsabagay, how can I blame them naman devah? Hahaha!

Lumapit sya at nagtanong.

“Ikaw ba si Richard Poon?”

Choz! Hahaha!

Nagulat ako, alam nya ang real name ko.

“Oo, bakit?”

Him: “Di mo ba ‘ko natatandaan?”

Sinipat ko ang fez nya. Parang pamilyar nga. Ayoko namang itanong kung naksa-sex ko na sya dati. Pokpok much lang naman ang dating ko ‘non. Pero parang nag-chorvahan na nga kami nito. Pero saan? Kasi kung sa sinehan – I’d rather forget. Kung sa kalye- mas lalong gusto kong kalimutan. Nag bagong buhay na ko. Pramis. So, da who ba talaga ito’ng hombre?

Him: “Ako si Bong-Bong ‘yung classmate mo dati sa Elementary. Musta na?”

Me: “Bong-bong? Yung anak ng teacher sa Grade 5?

Him: “Ako nga. Hahaha!”

Si Bong-Bong ay classmate at seatmate ko sa Mababang Paaralan ng Pinilahan. Close kami dati nito. Pero nung grade 4 na, lumipat na sya ng eskwelahan. Namatay na kasi yung nanay nya na nagtuturo din sa school namin. Iyon na ang huling pagkikita namin.

Kinamayan ko sya bigla at niyakap. Moment lang.

Me: “Oh musta na? Tagal na nating ‘di nagkita ah. Buti nakilala mo pa ‘ko. Eh ang gwapo-gwapo ko na kaya. Hahaha!”

CHOZ!

Him: “Alam ko talaga ikaw ‘yan. Kahit skinhead ka na at wala na yung bangs mo.”












May ganon? Talagang point of reference ang dati kong bangs? Isinumpa ko na ‘yon. Eh curly kasi ang hair ko ‘pag mahaba. So pati bangs, kulot din. Eh feel ko nung nene pa ako ang mag-bangs. I thought keri ko naman. Pero a few months nang makita ko ang mga pictures, shucks! Grabeeeh! Ang baduy ko lang. Kaya naman lahat ng pictures ko na may bangs pa ako, sinunog ko. At binantayan ko talaga hanggang maging abo.

Parang ganitey lang.

Kahit na offend ng slight ang bruha, maintain pa ‘rin ang Mona Lisa smile.

Me: “Ah ok, saan ka na ngayon? Free ka ba? Halika, dinner tayo. Treat kita.”

Him: “Nakakahiya naman.”

Me: “Gago. ‘Wag kang mahiya sa ‘kin. Paldo ako ngayon.”

Him: “Angas ah. Yaman ka na siguro.”

Me: “Hindi naman. Nabiyayaan lang ng konti.”

Him: “Sige.”

Temporarily lifted ang gastadora-ban. Dinala ko sya sa La Maison.

Him: “Parang mahal dito ah.”

Me: “Hayaan mo lang, treat ko. Order what you want. Masarap ang steak dito.”

Him: “Hindi ba nakakahiya?”

Me: “Gago, ‘wag ka ng mahiya. Tagal nating ‘di nagkita.”

Him: “May-asawa ka na ba?”

Me: “Wala pa. Ikaw?”

Him: “Wala pa rin.”

Me: “Bakit wala ka pang asawa?”

Him: “Wala eh. Ikaw, bakit wala ka pang asawa.”

Me: “Hmmmm… bakla kasi ako eh.”

Napatigil sya. Kahit ako ay nabigla sa sinabi ko. Parang tiningnan pa ‘nya kung may bahid ng kabaklaan ang outfit ko. Hahaha!

Oo bakla ako pero hindi ako naka sequin dress ‘nung time na yon ‘noh! Off-shoulder top lang at konting eyeliner ang clues.

Him: “Gago! Eh bully ka nga nung elementary ah.”

Me: “Oo nga. Eh ano magagawa ko, eh sa ganun talaga ako.”

Him: “Seryoso?”

Me: “Plangak.” sabay tango ng ulo.

Him: “Ok lang ‘yon. Ako din eh. Hahaha!”

Ako naman ang nagulat. Actually, noon ko lang napansin ang body fit nyang shirt at pants.

Me: “Bakla ka rin? Stir?” sabay taas ng kilay.

Tumingin pa sya sa mga katabing mesa bago sumagot.

Him: “Plangak.”

Ewan ko ba. Ang bilis ng usapan. Parang ilang seconds lang eh nakapag-out kami sa isa’t-isa.

Bata pa lang daw sya ay parang nakakaramdam na sya. Pero syempre, para hindi ma-bully, nagpaka straight. Pero pigil na pigil daw sya sa pagka gurl.

Tapos kumain, inaya ko sya sa Padre Pia Y Damaso para mag-dessert. Mas tahimik don. Wala masyadong tao. Mas makakapag-usap kami. We ordered coffee and we shared a slice of their White Cheesecake. Parang Discovery Travel & Living lang ang bruha.

Tuloy ang kwentuhan. Para kaming mga batang binalikan ang wonder days. Ang bakla mas malandi pa pala sa ‘kin. Ako pa ang nanliit sa sarili ko.

Me: “Na-ala-ala mo nung bata pa tayo, favorite natin ang Power Rangers?”

Him: “Peborit ko noon sila ano… ‘yung Keri… something.”

Me: “Anong Keri something? Kerro Keropi?”

Him: “ Gagah hindi! Frog ‘yon noh. Yung mga bears… ah tama! Yung mga Keri Bears.”

Me: “Pakyu! Carebears yon hindi Keri Bears.”

Him: “Ay, oo nga! Hahaha! Meron pang isa ‘kong peborit yung Slurpet ba ‘yon. Yung kulay blue na babaeng dwende.”

Me: “Eto na ang crown. Ikaw na ang Binbining Shunga. And you will hold the title ‘till eternity. Smurfet ang sinasabi mo.”

Him: “Haaayyy… oo nga. Hahaha! I’m so forgetting.”

Me: “Forgetful!”

Him: “Ikaw na ang call center agent!”

Me: “Excuse me. Pang-araw ang work ko ‘noh.”

Him: “Eh di pang-araw na call center agent. Meron non ‘di ba?”

Me: “Not even.”

Him: “Eh ano ka?”

Me: “AVP.”

Him: “Ang taray, Audio Visual Presentation!”

Me: “Gagah!”

Him: “Joke lang, alam ko meaning ‘non Assistant Vice President!”

Me: “Hinde.”

Him: “Eh ano?”

Me: “Assigned in Various Positions. Minsan marketing, minsan sales, minsan admin, minsan kolektor.”

Him: “Ang cheap! Hahaha!”

Me: “Eh bakit, ikaw? Ano ka na ngayon?”

Him: “Secret!”

Me: “Naka-kita ka na ba ng tinidor na may dugo?”

Him: “Gaga ka. Bakit anong gagawin mo?”

Me: “Don’t worry hindi mo makikita ang tinidor na may dugo.”

Him: “Bakit nga?”

Me: “Kasi isasaksak ko ang tinidor dyan sa mga mata mo! Bruhang ‘to. Sige na anong work mo?”

Him: “ Mahabang kwento eh.”

Me: “Tinatanong ko lang kung ano work mo. Hindi ko sinabing mag extemporaneous speech ka gagah.”

Him: “Extemporaneous chuva ka dyan. Jingglesera ka ha. Maniwala ka ba kung sabihin ko sa ‘yo na nag-callboy ako dati?”

Me: “Weh! Hindi nga?”

Him: “Oo naman. Wala na kasi akong ibang maisip na work noon. Hindi naman ako college graduate. Wala akong skills…”

Me: “Except tsumupa!”

Him: “Ang laswa mo!”

Me: “Eh ano sasabihin ko? Ano pa nga ba ang talent mo?”

Huminto sya, parang nag-iisip.

Me: “Anong petsa na. Sayang ang oras, ‘wag mo ng isipin.”

Him: “Oo nga ‘noh. Wala na ‘kong ibang talent.”

Me: “Joke lang ‘yon ‘noh. Talented ka.”

Him: ‘Ini-etchoz mo lang ako.”

Me: “Hindi nga. Magaling ka kayang mag-patawa.”

Him: “Talent ba ‘yon?”

Me: “Oo naman. Tingnan mo si Vice Ganda, sikat na.”

Him: “Mas gorgeous naman ako kay Vice Ganda.”

Me: “Spell GORGEOUS.”

Him: “G…U…O…..Mas CUTE na lang ako kay Vice Ganda.”

Dalawang vakla: “HAHAHA!”

Me: “Oy, hindi ko talaga inakalang magla-ladlad ka. Bully ka din ‘nung elementary di ba?”

Him: “Oo nga, paraan ko lang ‘yon. Pero ‘nung highschool, may nakatikim sa ‘king bakla. Tapos binigyan ako ng pera. Nasarapan ako tapos kumita pa. Eh nagri-rebelde ako nung time na ‘yon sa Tatay ko kaya pinasok ko na ang pagko-callboy. Ayun, natuluyan. Nahawa na rin siguro ako.”

Me: “Tonta. Hindi nakakahawa ‘yon noh. Bakla ka lang talaga.”

Him: “Ikaw, pa’no ka naging bakla?”

Me: “May formula ba para maging bakla?”

Him: “I mean, may nag-trigger ba para maging ganyan ka?”

Me: “Meron…”

Him: “Ano ‘yon?”

Me: “Eh di burat. Ano pa ba?”

Him: “Ang laswa ng bunganga mo. Balita ko Catholic school ka na after elementary ‘di ba?”

Me: “Oo nga. Pero wala naman sa school ‘yon no.”

Him: “Kunsabagay. Buraot lang talaga ang bunganga mo.”

Me: “Gaga. Seriously, kamusta ka na nyan?”

Him: “Heto, ok lang. Ok lang mag-sigarilyo ako?”

Me: “Sige, go ahead. Ok ka lang ba talaga?”

Naglabas sya ng Marlboro, Sinindihan. Humithit.

Him: “Oo naman.”

Inalok nya sa akin ang pakete ng sigarilyo.

Me: “Sige, hindi ako nag smoke eh. Nabubuhay mo naman sarili mo ng maayos?”

Him: “Oo. Kahit madalas ay tambay. Paminsan-minsan may customer pa ‘rin. Buti nga sarili ko lang iniisip ko.”

Me: “Eh malapit ka ng mag-expire. Thundercats ka na.”

Him: “Oo nga eh. Yan din ang iniisip ko.”

Me: “Bakit kasi hindi ka maghanap ng mas stable na trabaho.”

Him: “Eh wala nga akong pinag-aralan eh. Ano mangyayari sa ‘kin? Buti ka pa maganda na buhay mo.”

Me: “Naghirap din naman ako. Nangarap. Naniwala. Nakaraos.”

Him: “Dream. Believe. Survive. Starstruck ka ‘teh?”

Me: “Gaga. Seryoso, hanap ka ng mas maayos na work.”

Him: “Paano?”

Me: “Magtatanong-tanong ako sa mga kakilala ko.”

Him: “Salamat ha.”

Me: “Saka ka na magpasalamat pag meron na. Ano ba kaya mong gawin?”

Him: “Aside sa tsumupa at magpa-tsupa?”

Me: “Gaga!”

Him: “Marunong ako konti. Magluto. ‘Yung mga ganon.”

Me: “Eh kung messenger?”

Him: “Pwede na ‘rin.”

Me: “Choosy ka pa.”

Him: “May pagpipilian ba?”

Me: “Meron..”

Him: “Ano?”

Me: “Construction worker. Magbubuhat ng bakal. Maghahalo ng buhangin at semento.”

Him: “Messenger na lang.”

Me: “Hahaha!”

Him: “Uy, salamat talaga ha. Buti na lang nagkita uli tayo.”

Me: “Wala ‘yon. For old times sake. Teka, pwede ko bang i-blog ‘to?”

Him: “Anong blag? Yung nahulog tapos BLAG!”

Me: “Gaga, sa internet. Parang iku-kwento ko lang sa site ko.”

Him: “Ahhhh… basta ‘wag mong ilalagay pangalan ko ha.”

Me: “Oo naman. Nickname mo lang. Eh picture mo? Kunan kita ng picture.”

Him: “Uy ‘wag, baka may maka-kilala sa ‘kin.”

Me: “Iba-blur ko naman eh.”

Him: “Anong blar?”

Me: “Sige nga ‘wag na lang. Mahirap mag explain. Hahaha!”

Him: “Basta. Salamat. Text, text na lang tayo ha.”

Me: “Oo naman. Bye Gurl!”

Him: “Gago!”

Haaay.... ang sarap lang balikan ng nakaraan.
















I think it’s about time to help an old friend. I just hope matulungan ko talaga sya. Time to call my Ninangs. Hahaha!

…………………………………………………….



Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments