Vonggang Vonggang Bong-Bong!

Nagbabayad ako ng bills ko sa SM Makati ng mapansin ko ang isang lalaking nakatingin sa akin. Naka-upo sya sa bench o waiting area ng Payment Center.

Wiz ko type makipag eye to eye that time.

Dedma lang.

Natapos na akong magbayad.

Gulat aketch. Nandon pa rin sya at nakatingin sa akin.

Stalker?

OO, sa tingin ko ay isa s’yang lalaking may marubdob na pagnanasa sa aking alindog.

Kunsabagay, how can I blame them naman devah? Hahaha!

Lumapit sya at nagtanong.

“Ikaw ba si Richard Poon?”

Choz! Hahaha!

Nagulat ako, alam nya ang real name ko.

“Oo, bakit?”

Him: “Di mo ba ‘ko natatandaan?”

Sinipat ko ang fez nya. Parang pamilyar nga. Ayoko namang itanong kung naksa-sex ko na sya dati. Pokpok much lang naman ang dating ko ‘non. Pero parang nag-chorvahan na nga kami nito. Pero saan? Kasi kung sa sinehan – I’d rather forget. Kung sa kalye- mas lalong gusto kong kalimutan. Nag bagong buhay na ko. Pramis. So, da who ba talaga ito’ng hombre?

Him: “Ako si Bong-Bong ‘yung classmate mo dati sa Elementary. Musta na?”

Me: “Bong-bong? Yung anak ng teacher sa Grade 5?

Him: “Ako nga. Hahaha!”

Si Bong-Bong ay classmate at seatmate ko sa Mababang Paaralan ng Pinilahan. Close kami dati nito. Pero nung grade 4 na, lumipat na sya ng eskwelahan. Namatay na kasi yung nanay nya na nagtuturo din sa school namin. Iyon na ang huling pagkikita namin.

Kinamayan ko sya bigla at niyakap. Moment lang.

Me: “Oh musta na? Tagal na nating ‘di nagkita ah. Buti nakilala mo pa ‘ko. Eh ang gwapo-gwapo ko na kaya. Hahaha!”

CHOZ!

Him: “Alam ko talaga ikaw ‘yan. Kahit skinhead ka na at wala na yung bangs mo.”












May ganon? Talagang point of reference ang dati kong bangs? Isinumpa ko na ‘yon. Eh curly kasi ang hair ko ‘pag mahaba. So pati bangs, kulot din. Eh feel ko nung nene pa ako ang mag-bangs. I thought keri ko naman. Pero a few months nang makita ko ang mga pictures, shucks! Grabeeeh! Ang baduy ko lang. Kaya naman lahat ng pictures ko na may bangs pa ako, sinunog ko. At binantayan ko talaga hanggang maging abo.

Parang ganitey lang.

Kahit na offend ng slight ang bruha, maintain pa ‘rin ang Mona Lisa smile.

Me: “Ah ok, saan ka na ngayon? Free ka ba? Halika, dinner tayo. Treat kita.”

Him: “Nakakahiya naman.”

Me: “Gago. ‘Wag kang mahiya sa ‘kin. Paldo ako ngayon.”

Him: “Angas ah. Yaman ka na siguro.”

Me: “Hindi naman. Nabiyayaan lang ng konti.”

Him: “Sige.”

Temporarily lifted ang gastadora-ban. Dinala ko sya sa La Maison.

Him: “Parang mahal dito ah.”

Me: “Hayaan mo lang, treat ko. Order what you want. Masarap ang steak dito.”

Him: “Hindi ba nakakahiya?”

Me: “Gago, ‘wag ka ng mahiya. Tagal nating ‘di nagkita.”

Him: “May-asawa ka na ba?”

Me: “Wala pa. Ikaw?”

Him: “Wala pa rin.”

Me: “Bakit wala ka pang asawa?”

Him: “Wala eh. Ikaw, bakit wala ka pang asawa.”

Me: “Hmmmm… bakla kasi ako eh.”

Napatigil sya. Kahit ako ay nabigla sa sinabi ko. Parang tiningnan pa ‘nya kung may bahid ng kabaklaan ang outfit ko. Hahaha!

Oo bakla ako pero hindi ako naka sequin dress ‘nung time na yon ‘noh! Off-shoulder top lang at konting eyeliner ang clues.

Him: “Gago! Eh bully ka nga nung elementary ah.”

Me: “Oo nga. Eh ano magagawa ko, eh sa ganun talaga ako.”

Him: “Seryoso?”

Me: “Plangak.” sabay tango ng ulo.

Him: “Ok lang ‘yon. Ako din eh. Hahaha!”

Ako naman ang nagulat. Actually, noon ko lang napansin ang body fit nyang shirt at pants.

Me: “Bakla ka rin? Stir?” sabay taas ng kilay.

Tumingin pa sya sa mga katabing mesa bago sumagot.

Him: “Plangak.”

Ewan ko ba. Ang bilis ng usapan. Parang ilang seconds lang eh nakapag-out kami sa isa’t-isa.

Bata pa lang daw sya ay parang nakakaramdam na sya. Pero syempre, para hindi ma-bully, nagpaka straight. Pero pigil na pigil daw sya sa pagka gurl.

Tapos kumain, inaya ko sya sa Padre Pia Y Damaso para mag-dessert. Mas tahimik don. Wala masyadong tao. Mas makakapag-usap kami. We ordered coffee and we shared a slice of their White Cheesecake. Parang Discovery Travel & Living lang ang bruha.

Tuloy ang kwentuhan. Para kaming mga batang binalikan ang wonder days. Ang bakla mas malandi pa pala sa ‘kin. Ako pa ang nanliit sa sarili ko.

Me: “Na-ala-ala mo nung bata pa tayo, favorite natin ang Power Rangers?”

Him: “Peborit ko noon sila ano… ‘yung Keri… something.”

Me: “Anong Keri something? Kerro Keropi?”

Him: “ Gagah hindi! Frog ‘yon noh. Yung mga bears… ah tama! Yung mga Keri Bears.”

Me: “Pakyu! Carebears yon hindi Keri Bears.”

Him: “Ay, oo nga! Hahaha! Meron pang isa ‘kong peborit yung Slurpet ba ‘yon. Yung kulay blue na babaeng dwende.”

Me: “Eto na ang crown. Ikaw na ang Binbining Shunga. And you will hold the title ‘till eternity. Smurfet ang sinasabi mo.”

Him: “Haaayyy… oo nga. Hahaha! I’m so forgetting.”

Me: “Forgetful!”

Him: “Ikaw na ang call center agent!”

Me: “Excuse me. Pang-araw ang work ko ‘noh.”

Him: “Eh di pang-araw na call center agent. Meron non ‘di ba?”

Me: “Not even.”

Him: “Eh ano ka?”

Me: “AVP.”

Him: “Ang taray, Audio Visual Presentation!”

Me: “Gagah!”

Him: “Joke lang, alam ko meaning ‘non Assistant Vice President!”

Me: “Hinde.”

Him: “Eh ano?”

Me: “Assigned in Various Positions. Minsan marketing, minsan sales, minsan admin, minsan kolektor.”

Him: “Ang cheap! Hahaha!”

Me: “Eh bakit, ikaw? Ano ka na ngayon?”

Him: “Secret!”

Me: “Naka-kita ka na ba ng tinidor na may dugo?”

Him: “Gaga ka. Bakit anong gagawin mo?”

Me: “Don’t worry hindi mo makikita ang tinidor na may dugo.”

Him: “Bakit nga?”

Me: “Kasi isasaksak ko ang tinidor dyan sa mga mata mo! Bruhang ‘to. Sige na anong work mo?”

Him: “ Mahabang kwento eh.”

Me: “Tinatanong ko lang kung ano work mo. Hindi ko sinabing mag extemporaneous speech ka gagah.”

Him: “Extemporaneous chuva ka dyan. Jingglesera ka ha. Maniwala ka ba kung sabihin ko sa ‘yo na nag-callboy ako dati?”

Me: “Weh! Hindi nga?”

Him: “Oo naman. Wala na kasi akong ibang maisip na work noon. Hindi naman ako college graduate. Wala akong skills…”

Me: “Except tsumupa!”

Him: “Ang laswa mo!”

Me: “Eh ano sasabihin ko? Ano pa nga ba ang talent mo?”

Huminto sya, parang nag-iisip.

Me: “Anong petsa na. Sayang ang oras, ‘wag mo ng isipin.”

Him: “Oo nga ‘noh. Wala na ‘kong ibang talent.”

Me: “Joke lang ‘yon ‘noh. Talented ka.”

Him: ‘Ini-etchoz mo lang ako.”

Me: “Hindi nga. Magaling ka kayang mag-patawa.”

Him: “Talent ba ‘yon?”

Me: “Oo naman. Tingnan mo si Vice Ganda, sikat na.”

Him: “Mas gorgeous naman ako kay Vice Ganda.”

Me: “Spell GORGEOUS.”

Him: “G…U…O…..Mas CUTE na lang ako kay Vice Ganda.”

Dalawang vakla: “HAHAHA!”

Me: “Oy, hindi ko talaga inakalang magla-ladlad ka. Bully ka din ‘nung elementary di ba?”

Him: “Oo nga, paraan ko lang ‘yon. Pero ‘nung highschool, may nakatikim sa ‘king bakla. Tapos binigyan ako ng pera. Nasarapan ako tapos kumita pa. Eh nagri-rebelde ako nung time na ‘yon sa Tatay ko kaya pinasok ko na ang pagko-callboy. Ayun, natuluyan. Nahawa na rin siguro ako.”

Me: “Tonta. Hindi nakakahawa ‘yon noh. Bakla ka lang talaga.”

Him: “Ikaw, pa’no ka naging bakla?”

Me: “May formula ba para maging bakla?”

Him: “I mean, may nag-trigger ba para maging ganyan ka?”

Me: “Meron…”

Him: “Ano ‘yon?”

Me: “Eh di burat. Ano pa ba?”

Him: “Ang laswa ng bunganga mo. Balita ko Catholic school ka na after elementary ‘di ba?”

Me: “Oo nga. Pero wala naman sa school ‘yon no.”

Him: “Kunsabagay. Buraot lang talaga ang bunganga mo.”

Me: “Gaga. Seriously, kamusta ka na nyan?”

Him: “Heto, ok lang. Ok lang mag-sigarilyo ako?”

Me: “Sige, go ahead. Ok ka lang ba talaga?”

Naglabas sya ng Marlboro, Sinindihan. Humithit.

Him: “Oo naman.”

Inalok nya sa akin ang pakete ng sigarilyo.

Me: “Sige, hindi ako nag smoke eh. Nabubuhay mo naman sarili mo ng maayos?”

Him: “Oo. Kahit madalas ay tambay. Paminsan-minsan may customer pa ‘rin. Buti nga sarili ko lang iniisip ko.”

Me: “Eh malapit ka ng mag-expire. Thundercats ka na.”

Him: “Oo nga eh. Yan din ang iniisip ko.”

Me: “Bakit kasi hindi ka maghanap ng mas stable na trabaho.”

Him: “Eh wala nga akong pinag-aralan eh. Ano mangyayari sa ‘kin? Buti ka pa maganda na buhay mo.”

Me: “Naghirap din naman ako. Nangarap. Naniwala. Nakaraos.”

Him: “Dream. Believe. Survive. Starstruck ka ‘teh?”

Me: “Gaga. Seryoso, hanap ka ng mas maayos na work.”

Him: “Paano?”

Me: “Magtatanong-tanong ako sa mga kakilala ko.”

Him: “Salamat ha.”

Me: “Saka ka na magpasalamat pag meron na. Ano ba kaya mong gawin?”

Him: “Aside sa tsumupa at magpa-tsupa?”

Me: “Gaga!”

Him: “Marunong ako konti. Magluto. ‘Yung mga ganon.”

Me: “Eh kung messenger?”

Him: “Pwede na ‘rin.”

Me: “Choosy ka pa.”

Him: “May pagpipilian ba?”

Me: “Meron..”

Him: “Ano?”

Me: “Construction worker. Magbubuhat ng bakal. Maghahalo ng buhangin at semento.”

Him: “Messenger na lang.”

Me: “Hahaha!”

Him: “Uy, salamat talaga ha. Buti na lang nagkita uli tayo.”

Me: “Wala ‘yon. For old times sake. Teka, pwede ko bang i-blog ‘to?”

Him: “Anong blag? Yung nahulog tapos BLAG!”

Me: “Gaga, sa internet. Parang iku-kwento ko lang sa site ko.”

Him: “Ahhhh… basta ‘wag mong ilalagay pangalan ko ha.”

Me: “Oo naman. Nickname mo lang. Eh picture mo? Kunan kita ng picture.”

Him: “Uy ‘wag, baka may maka-kilala sa ‘kin.”

Me: “Iba-blur ko naman eh.”

Him: “Anong blar?”

Me: “Sige nga ‘wag na lang. Mahirap mag explain. Hahaha!”

Him: “Basta. Salamat. Text, text na lang tayo ha.”

Me: “Oo naman. Bye Gurl!”

Him: “Gago!”

Haaay.... ang sarap lang balikan ng nakaraan.
















I think it’s about time to help an old friend. I just hope matulungan ko talaga sya. Time to call my Ninangs. Hahaha!

…………………………………………………….



48 comments:

Désolé Boy said...

naks! matapos mo ko patawanin may kurot sa puso na ganon.
.
.
buhay nga naman. sarap balikan nung bata pa tayo at simple lang ang lahat.

Ms. Chuniverse said...

@DB... oo nga, Barbie doll lang ang pangarap ko non, hindi pa natupad. hahaha!

Désolé Boy said...

haha. ano ba kxeng nakuha mo? si Ken? di ba ok din nmn yun? hehe

RainDarwin said...

ang sarap pag-umpugin ng dalawang batang bading hahahahah.

teh, karirin mo sya para naman nde malungkot ang pasko mo.

Ms. Chuniverse said...

@DB... ang na-received ko ay G.I. Joe. Eh pwede ko bang suotan ng strapless gown 'yon?

@Pilyo... eewww. di ko type. parang incest. hahaha!

Lone wolf Milch said...

feeling model yung dalawang vaklush na bata bwahahahaha ang cute

ako naman madalas ako nakikilala ng dati kung classmates pero ako naman di ko sila naalala hahahaha

Anonymous said...

masarap ang pakiramdam pag nakakataulong ka sa taong karapat-dapat tulungan.

good luck!

Mugen said...

Ambait bait naman!!

Ms. Chuniverse said...

@Hard2getxxx... iyan ang tinatawag na memory gap. =)


@Urbandenizen... tama ka. lalo na kung eager din silang mai-ahon ang sarili nila. =)

Ms. Chuniverse said...

@Mugen... oo nga eh. pang kapwa ko, mahal ko lang. hehehe!

NOX said...

madame chuni, sino ka dun sa dalawang tukneneng? parang mas mataray yung naka-red. kinabog si venus raj.

Ms. Chuniverse said...

@Nox... Kung papipiliin ako sa dalawa, gusto ko yung naka gray sand/black shorts. Kilay pa lang winner na. hahaha!

jc said...

nakakalungkot ang sinapit nya. sana matulungan mo ang iyong dating kaklase.



bigyan mo sya ng booking. choz! lols.

Ronnie said...

Chuni, this entry is so funny tapos biglang may transition. I love eeet!

Bait mo naman. Dapat sa'yo bigyan ng korono at specter. Haha

Ms. Chuniverse said...

@JC.. and that makes me what... bugaw? hahaha!


@Ronnie.... ganyan talaga ang mga beauty queens - charitable. Hahaha! I would like to thank nga pala Madame Stella Marquez Araneta and the Binibining Pilipinas Charities. Mwah! Mwah! Mwah! =)

Eternal Wanderer... said...

madame chuni, isa ka ng margie holmes - sex therapist/counselor to they gehyz!

angela said...

love your posts sir/ma'am! You'll be more blessed sa good deeds mo!

angela said...

You'll be more blessed because of your good deeds!

Ms. Chuniverse said...

@Ternie... Kung ako'y isang Margie Holmes, ika'y isang Mother Theresa. Alam mo na 'yan. =)


@Angela... Thanks. I am just as confused as you are - hindi ko rin alam kung ma'am ako or sir. hahaha! =)

Unknown said...

waaah i really enjoy reading ur entry. :)

Unknown said...

miss chuni xa na ba ang kukumpleto sa inyong power rangers team with friendship at dxter ba un? hehehe

Anonymous said...

haaaaist reading ur blog makes me wonder, sarap mo cgurong maging friend..wlang dull moments..meron kc akong naging kaibigan dati thru G4M taena twing mgkikita kmi panay daing ng problema, akala ata ako c ate charo..kalokah, gus2 ko lng enjoy lyf no?

Nimmy said...

bongga! ang kulet niyo mag-usap! hehehe. bet na bet ko ung Keri part! winner! wahahaha.

Ms. Chuniverse said...

@Hot Bicycle.... Pwede, pero kulang pa rin kami ng 1 member, tara na, join na. =)

@Anonymous..... Oo naman, masarap akong kaibigan 'wag lang uutangan. Hahaha! May mga tao talagang mahilig mag crayola over their problems, pero tama ka, 'wag namang ibuhos sayo lahat. =)


@Nimmy... O, nakabili ka na ba ng Birkin bag para sa lunch box mo? For sure papayag na si Papa Leo nyan. Hihihi

Yj said...

oo nga... pagkatapos ng hagalpak ng tawa, kurot naman sa puso...

i'll remember this post for a very long time... :)

john chen hui long said...

he's lucky to have you, ms chu! email me naman - i'm in the middle of a mini-crisis. kelangan ko tumawa. :-(

Luis said...

ang galing galing mo talaga ms. chu chu.. napahalakhak mo naman ako at may kabuluhan ang kwento ha.. goodluck at sana nga matulungan mo sya...

bien said...

ay sana nga matulungan mo sya teh.
ok nalungkot ako ng slight dito.
panalong entry na naman



*mga bully na naging bading, how typical*

Shenanigans said...

atsi.. linawin mo nga, anu ka ba talaga?


social worker o si mother theresa?

parang lahat na lang hinahanapan mo ng trabaho dati yung DVD vendor sa plaza fair naun eto naman..haha! chos lang!
alam ko namang mabuti lang ang kalooban mo.. as in balun-balunan mo.. haha!

natawa ako sa "KERI BEARS" haha

Marhk said...

aliw naman ang pagkikita nyo hehehe

super like ko yung 2 picture ng bata grabeh super laugh to the max! lolzz

Anonymous said...

Hello, Ms Chuni! Tsalap tsalap talaga magbasa ng Blag(!) mo. Nakakapawi ng pagod. It's a good day-end reliever for me, really. Kudos! Thanks ha.

Pa-kiss nga! :)
-Jay

casado said...

naku..alam ko na kung ano ang calling mo sa buhay..ikaw ang ppalit ke Rosa Rosal bwahahaha :P

MkSurf8 said...

enjoyed reading this post ;) teh pagkikitaan natin! hahaha

JR said...

nyahaha idol ko na topak mo! pasok! ang kulit din ng betlog mo fafa! Nice! hahaha, isa pa! hahahaha #baliw

Ms. Chuniverse said...

@YJ... Salamat dear. =)


@John... Naku, ano ang pinagdadaanan natin? Don't tell me kailangan mo rin ng work? Joke. Hehehe!


@Luis... Salamat. =)


@Orally... Bakit ka naman nalungkot? May nakaraan? =)

Ms. Chuniverse said...

@Shenanigans... Hindi ko pa natutulungan si Dibidi boylet. May issue. Pero si Bong-Bong mukhang magkaka work na. Pinatawag na ng isang friend ko. =)


@Jay.... Thank you too! MMmmmmmmwwwwwaaaaaah! French kiss yan. Hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Soltero... why so formal? May JS Prom? Hehehe! Si Ternie ang Rosa Rosal. Vicky Morales aketch. Hahaha!


@MKSurf8..... Thanks! Oo nga, magawa kayang profit center. hahaha! =)


@JR.... Oo isa pa. Per kiss muna. Hahahaha!

Ewan said...

teh chuni libre mo rin ako sa isang sosyal na resto

Lester David said...

hhhhmmmmm...isang magandang basa bago umuwi. :)

masarap tlaga tumulong lalo na sa dating kaibigan..:)

Ms. Chuniverse said...

@Ewan... hindi kaya mas dapat ay ako ang i-libre mo. Choz! =)


@Nicos... Ingat! =)

Shenanigans said...

good good...

Ashaman Lester said...

Just reading your come back during conversations in your stories crack me up.

May kaibigan din akong ganyan kagaling mag come back..panalo ang mga lakad.. Di nauubusan ng tawa... hehehe..

Anonymous said...

Guyz! ako si friendship... pag kasama ko si Ms Chu, naku walang dull moment.. Panay lalaki usapan... at ang mga mata 360 degrees... echoz... he.he

Anonymous said...

Hahhahahaah..GAling..writer po ba keo?

Rabbit said...

kayo na si maricel at Roderick paulate. ahahah

Anonymous said...

galing naman ng mga entries mo! sooo funny!

punked said...

nice read :) sana natulungan mo na si friend. :)

Anonymous said...

aside from the crown, parang gusto kong
mgpetition sa Vatican na gawin kang patron saint ng mga beki..

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments