Ikaw Na Nga Ba?
Summer of 2010. Nakilala ko sya thru Dexter. Isa syang tindero sa Makati Cinema Square. Bumili kasi ng dibidi ang etchoserong Dexter from him.
Sabi ni Dexter, mabait at cute daw ‘yung tindero, Mark ang pangalan. Binigay ni Dexter ‘yung number sa ‘kin.
Gwapo ba talaga? Oo daw, ipu-pusta daw nya ang finger nya.
Aba!Aba! Aba! Eh gwapo nga ‘yon.
Malaking kawalan kay Dexter ang finger nya kaya hindi nya basta-basta ipupusta ng ganon na lang.
Because I believe in the saying na: Dexter minus a finger is not Dexter at all.
So, nag-text ako sa gwapitong tindero daw, sabi ko, punta kami ng stall nya at bibili kami ng dibidi. Sige daw, wait daw sya.
So ‘nung hapon na ‘yon, nag-ocular inspection na nga kami ni Friendship. Kendeng-kendeng habang tumatawid ng Pasong Tamo. Nagbigay pugay ang mga harabas na jeepneys at nag-stop at my signal. Nagka catwalk kasi ang reyna at ang kanyang entourage.
Actually, si Friendship dapat ang di-diskarte sa hombre. Kasi that time, may ka-relasyon ako. Uhaw naman sa pagkalinga ang aking kaibigan kaya sya na lang ang dapat madiligan. Baka kasi mag-sara ang window of happiness nya, sayang naman. Makipot na nga ‘daw. Sing kipot ng tunnel ng Shaw Boulevard.
At saka, I’m so loyal and faithful kaya. Hahaha! Hahaha! Hahahahaha!
What’s funny?
Wala lang. Masarap tumawa. Exercise sa panga. Try mo ‘teh.
Ayun na nga. Na sight namin ang hombreng may fez value. I’m sure sya ‘yon kasi wala namang ibang cute na nagtitinda.
Puro mukhang karioka na ang fez ng others.
Eh di lapit na ang reigning Mutya ng Bagong Silang 2010 at ang kanyang Ilokanang first runner-up.
Bistahan si pogi.
Hmmm… chinito, around 5’7”, maputi. Around 20-22 siguro ang age, Kumakain sya ng instant noodles ng dumating kami. That time, gusto ko rin syang kainin, pigaan ng kalamansi at isawsaw sa Kikkoman. In short, yummy sya para sa ‘kin.
Him: “Kuya, anong hanap nyo?”
Aliw. Aliw ang hanap ko. Choz.
Me: “Dibidi, tingin muna kami ng titles ha.” Pa demure ang kirengkeng na bading.
Sabay tingin ng nakaka-akit at labas ng dila. Dedma si Papa.
Him: “Sige, pili ka na Kuya. Madami dyan. Action ba gusto mo?”
Me: “Hinde. Mukha ba ‘kong mahilig sa action? Except of course kung yung action na sinasabi mo ay yung action na iniisip ko. Kaya moh?”
Masasabi ko ba ‘yan? Of course not. Mahinhin ako ‘noh! Kaya ang nasabi ko na lang ay…
Me: “Ako ‘yung nag-text sa ‘yo kanina. Binigay ni Dexter number mo.”
Him: “Ahhh… ganun ba. Eh, ano Kuya… ?”
Sabay dikit sa ‘kin, may haplos pa sa braso. Haaaayyyy…. tumayo ang feathers ko!
Me: “Ibalot lahat yan. Pati VHS. Papakyawin ko!”
Choz!
Him: “Sige, pili ka na Kuya.”
Don’t call me Kuya. Call me, Cup Cake! Hihihi!
Si Friendship, hindi sya type. Hindi kasi mukhang matadero. Kakaiba talaga ang taste ng kaibigan ko. Mahilig sa exotic! Hahaha!
‘Yun ding amo nya, dedma lang sa ‘min. Walang paki kung ano man ang nangyayari.
Ang ending, bumili ako ng 5 dibidi from Mark.
Simula non, everytime na may gusto akong panoorin. Tini-text ko sya. Pini-prepare nya na yung dibidi para for pick-up ko na lang. Nang lumipat sya ng stall, sinabihan nya rin ako, so doon na sa bagong stall nya ako bumibili.
Kadalasan nga ay kasama ko pa ang dyowa ko na ex ko na ngayon. To cut the story short, walang nangyari sa ‘min ng tindero. Faithful nga kasi ako!
Ang hindi maniwala, hindi titigasan in 5 years. Pramis.
HAHAHAHA!
Exercise lang uli ng panga.
Hanggang isang araw, nawala na lang syang parang bula.
………………………………………………….
Fast forward.
Two weeks ago, may nag-text. Vice Ganda lang.
“Hello. Musta?”
Me: “Sino ka? Isa ka ba sa mga hombreng nabigyan ko ng aliw at nakatikim ng aking matamis na alindog kaya hindi mo na ako makalimutan at ngayon ay bumabalik at nanganga-musta?”
Huh! Huh! Huh!
Hindi na tawa ‘yan. Hingal yan ‘teh. Effort eh.
Him: “Remember, si Mark ‘yung binibilhan mo ng dibidi sa Makati Cinema Square dati?”
Me: “Ay oo. Musta na? Saan ka na ngayon?”
Him: “Wala na ‘ko don. Umuwi na ako sa amin.”
Me: “Huh? Saan ka umuwi?”
Uhaw me sa pagkalinga. Sya na kaya ang papawi sa natutuyot kong talulot? Pwede!!!
Him: “Dito sa amin sa Davao.”
DAVAO???? Hmmm... ang lapit. 3 Days lang via Super Ferry!
Me: “Ano ginagawa mo dyan?”
Him: “Nawalan na kasi ako ng work dyan. Pinauwi na ako ng Lola ko.”
Nag-kwentuhan na nga kami ni Mark. Syempre may landian. Eh slightly malandi talaga kasi ako. Diborsyada kasi ang inyong Lola kaya hindi na kailangang magpaka-demure.
May sense kausap si Mark. Hindi sya jejemon mag text at maganda ang kanyang outlook sa buhay. Napahiya tuloy ako sa aking kahalayan kaya nag tame down ang bruha.
Mark: “Alam mo, gusto ko ng bumalik ng Manila.”
Me: “Oh, yun naman pala eh. Balik ka na dito.”
Mark: “Kaya lang wala akong work, wala ako mati-tirahan.”
Me: “Eh ‘yun dati mong tinitirahan?”
Mark: “Sa dati ko ng amo ‘yon eh.”
Me: “Eh di mag-board ka na lang muna. Hanap ka. Tulungan din kita maghanap ng work.”
Mark: “Talaga?”
Me: “Oo naman.”
Walang kapalit. Walang hidden agenda. Walang pagnanasa! Serbisyong Totoo lamang! Choz!
Mark: “Naku, salamat talaga. Hirap na kasi ako dito sa ‘min. Wala akong ginawa kundi mag-trabaho sa bukid.”
Paano na ang porselana nyang kutis? Nabilad na sa araw? I like ‘em creamier pa naman. Hihihi!
Sa dalawang linggong pagpapalitan namin ng text ni Mark, hindi sya nagsasawang mag greet sa akin ng “Good morning! Mmmmwwaaaaaah!” at alas 4 ng umaga ‘yon ha. Sa mga hindi nakaka-alam, iyon daw kasi ang oras ng pag-aararo sa bukid. Hayan may natutunan na naman kayo sa ‘kin at hindi puro kalaswaan.
Hindi ko man sinasadya, aaminin ko napapalapit ang loob ko sa kanya Charo.
Napaka-lambing nya.
Gusto nya mag-text ako pag nakauwi na ko. Tinatanong nya kung kumain na ko at kung nakatulog ba ako ng maayos.. etcetera, etcetera.
Para syang ulan na dumidilig sa bitak-bitak kong lupa.
Para syang hamog na gumigising sa tigang kong diwa.
Para syang mertayolet sa sugat kong sariwa.
Ang tarush ng meaning devah!
Araw-araw. Maya’t-maya. Naiisip ko sya.
Dinadalaw ko ang Facebook nya upang masdan ang maamo nyang mukha. Kahit hindi pa nya na-a-accept ang friend request ko kasi nga walang internet sa bukid.
Kinakabahan ako.
Ayokong ma-inlove.
Hindi pa ako handang masaktan muli.
My heart is so fragile. Kailangang i-handle with care. This side up ^….
Pero ang payo ni Friendship: “Go! Basta go ka lang ng go!”
Oh devah, malalim mag-payo ang kaibigan ko.
Ngayon, inaabangan ko na na magt-text sya. Na sana sa pagtunog ng cellphone ko ay sa kanya galing.
Him: “Sana sa birthday ko, magkasama tayo.”
Me: “Talaga? Kailan ba birthday mo?
Him: “Sa November 28.”
Me: “Lapit na pala ah. Teka, ilang taon ka na ba?”
Him: “17”
SEVENTEEEEEEEEN????????
Oo, ini-spell out ko pah.
At bumagsak ang universe sa aking harapan.
COUGAR I am not!
……………………………………………
Paalala: Ang baklang may akda ay hindi isang pedopilya. At hindi ito ini-encourage. In short, hindi sya tumitikim ng menor de edad. Hindi nya inakalang ganon kabata ang boytoy. Pramis. Akala nya talaga ay twenty something na ang papa.
Ngayon, nagdadalawang isip at naguguluhan sya kung si Mark nga ba ang No. 10 nya. Kasi sa November 28 ay legal age naman na sya devah? Hahaha!
Sa mga magri-request ng picture ni Mark, magsi-tigil kayo. Huwag nyong hayaang makulong ang lolah nyo. Hahaha!
50 comments:
potah! Ang witty mo talaga magsulat Chunilee.
"My heart is so fragile. Kailangang i-handle with care. This side up ^…."
hahaha.
Ang masasabi ko lang, mahirap yan. Been there, bundat. pero sabi nga ni Ternie, "whatever tickles your pickle."
Kaya kagaya ng profound advice ng frienship mo "go lang ng go, sago!"
@Iurico... Salamat. Kaaliw naman ang payo ni Ternie. Parang engkantada lang. Hahaha!
teh gora na sa boylet na iyan. baka sya na nga ang number 10. siguro pag magkasama kayo parang magnanay lang kayo. ECHOS!!! hahahaha
wag pigilin ang puson este ang pusong magmahal. ramdamin mo lang teh. kung masaya ka, gora lang. wala ka namang matatapakang tao.
sa palengke nga diba? pag sariwa, mas masarap. ahihihi :P
goodluck ms chuni. love love love :)
Ang ganda ng twist ah! Parang sa sixth sense lang! Bwahahahaha!
Yan ang exercise sa panga, todo halakhak talaga!
teh kung ayaw mo sa kanya, pwede sa akin na lang siya? hahha! we're on the same bukid pa naman!
-gay16
@Jepoy... Mag-nanay pala ha? Halika dito, kakatayin kita. Hahaha!
Pero alam mo, kung nag-landi ako nung dalagita pa ako at nabuntis, parang anak ko na nga sya. Kasi yung pinsang kong naka-buntis nung teenager pa sya, may 16 years old na panganay at sobrang close kami since baby pa sya na parang anak ko na.
hahaha!
@Mugen.... Ita-try ko 'yang 'Halakhak Solterong Bwahahaha!' na yan.
BWAHAHAHAHA!
Masakit sa panga pala. Kipot din bibig ko eh. Hahaha!
@Gay 16... Hindi ko sinabing ayaw ko. Hahaha! =)
Para syang mertayolet sa sugat kong sariwa.
nalokah ako dito? teh lola ko pa ang gumagamit ng mertayolet? betadine na ngyn! lolzz
Susmeh siguro naman alam mo ang diff. ng love sa lust kalokah ang bata pa nyan noh? kaya go "sex lang walang personalan" stra8 ba yang hombre? or PLU?....maka react naman ako affected ba?Bhwaahahahaha
HAHAHAAHHAAHAHHA. para na naman akong baliw dito katatawa.
Ikaw na ang paboritong blogger ko teh! Kapag binabasa ko ang entry mo dahan-dahan, hinay-hinay (para matagal matapos heheeh).
Teh. sakin mo na lang ipasa si Mark. Pwamis, pag naging kami pang 4 apat ko na sya na Mark ang pangalan. Halos lahat kasi ng syota ko Mark ang pangalan at twink! tanong mo pa kay Papa Joms at Dadi Fox.
ahehe.
Bwahahahaha!!!!!
DAVAO???? Hmmm... ang lapit. 3 Days lang via Super Ferry!
.
.
mamatay matay ako kakatawa dito.
@Marhk.... nung nene pa kasi aketch, mertayolet ang gamit namin sa province. Nung mag-dalaga na aketch, hindi na aketch nasusugatan kaya makinis ang legs at hindi aketch pamilyar sa betadine.
Nag-explain talaga. Hahaha!
Sariwa pa naman ang lolah mo kaya lang bubot pa si Papa Mark. para kaming Demi Moore at Ashton Kutcher lang. Hahaha! 'Teh straight daw sya pero handang magpa-ubaya para sa dyosa.
@Pilyo.... Tama, dahan-dahanin mo. mas tumatagal, mas sumasarap. hahaha!
Hmmmm... style mo. Alam ko kung bakit puro Mark ang tina-target mo. Ayaw mo lang madulas ang dila mo noh?
Kung ako pala si Demi Moore, ikaw naman si Vicky Belo! Hahaha! Ang saya-saya! =)
@Desole Boy... Sina psyche ko na nga ang sarili ko eh. The things i have to go through magka karir lang. =) desperate chuva.
Ateng Chuni, Carrie Bradshaw na ang 17, at pampabata raw ang ganyang mga age. Masustansya ang milk of human kindness nyan. Look at Madam Auring, divah na ectopic pregnancy pa courtesy of his boylet. Kaya mag Rosa Rosal ka na at magpa Western Union na before the 28th. Ahihihi. - audie g.
Gooooooooooooo for the gold!!!!!
sabi mo nga legal na siya by Nov.28...
magpaka Demi Moore ka na teh... semi-kal ka di ba? GI Jane ang arrive mo pag nagkataon
yaiy
hanubah mega explain sa mertayolet hahaha
str8?? naku pera mo lang habol nyan (kontabida atribida ang dating ko)lolzz
@Audie G.... at talagang si madame Auring ang point of reference. Hahaha!
Sige, hulaan kita. May boylet na darating sa buhay mo, gwapo, matangkad at mayaman. Magmamahalan kayo. Kaya lang kombantrin ang lumalabas sa titi. Choz!
Mwah!
@YJ.... Ay, type ko ang GI Jane look. At least hindi nya ko masasabunutan sa sobrang sarap. Yan ang YAIY!!! =)
@Marhk... Gusto ko lang talagang mag-explain. Hahaha! Di bale, ang pera ko puro coins lang. Mahihirapan sya. Pero in fairness, never nanghingi ng load 'yan. Explain uli. Hahaha!
Konti pa sige maconvince na ko na busilak ang hangarin nya syo? mahal ang tutuion ngyn sa college at trimester na karamihan? lolz
Ang nega ng dating ko hahaha pero teh infairnez ganyan talaga sa mundo "Gamitan"..........ching!
naaliw ako ng sobra sa kwento mo...
pero seryoso tong comment ko..
pag dumating yan from Davao, ikaw ang papasan dyan, magiging cargo mo yan, i'm just saying.
handa kna ba maging batang batang sugar mommy???
esep esep muna...
shit di bagay sa akin ang seryoso...ching!
ms chuni..ang galing mo magsulat as in ...napa-split ako katatawa... korek ka 18 naman yata na siya sa Nov 28 kaya puwede na... keep it up...
winnur 'to ng so so much. shocking ang twist! hahaha!
anech ang kaguluhan ditech???
batet ako nasama sa comments???
madame chuni: hanap tayo ng dill pickle, dali!
@Marhk.... Nababasa ko sa 'yong nakaraan ang iyong pinagdaanan. Mag move-on ka na. Hahaha!
@Soltero... Oo nga, hindi bagay sa 'yo ang seryoso. Ang plano (may plano talaga eh. hahaha!) susubukan, mga one month, kung hindi mag work-out isasakay ko uli ng Super Ferry pabalik ng Davao City! Hahaha! Pero hindi pa naman sure. Nag-iisip pa ang beauty. Hehehe!
@Odell... Salamat hija. 'Wag masyadong mag split. Baka lumuwang. Choz!
@JC... Sing winner ba ng sexy back mo? Mwah!
@Ternie... Kasi ikaw na ang Ninang ng lahat kaya lagi kang kalahok. Parang bawang lang sa ginisa. Ang sarap divah?
Tara na dill pickle na!!!! =)
teh sumakit ang jaw ko. panalo ka talaga!
pero teh, parang kabuhayan showcase ang hanap nyan. pero kung keribels mo naman e di gooooooooooooooooooooooooooooo.
hi miss chuni. nakakaaliw tong blog mo. isa na ako sa mga masugid mong taga subaybay! panalo ka dito kung 17 nga lang tlga sya. sariwa pa ang hasang. hehe..
pero seriously, agree ako sa sinabi ni solts. responsibility un pag dumating na sya dito. pero sana mabait sya para maging ok tlga kau.
goodluck miss!
@Orally... Nakailan ba kayo ni Caridad kagabi at namamaga na naman ang panga mo? Kasi pinoy at asians na lang ang patulan mo 'wag na puti. malalaki masyado 'yon. hala ka, mag lock jaw ka yan. Hihihi!
Oo, pangkabuhayan nga. Ibibili ko ng tricycle at sa gabi na lang sya mag boundary. Oooohhhhh! =)
@Vin... Salamat. Oo mabait sya. Sobra. Haaayy, may maghihilod na ng likod ko. hahaha!
hanubah teh parang been there, done that never again (borrow ko kay JC whimpy kids)lolzz
very concrete ang plan mo pag di ng work ibalik sa davao! nalokah akectch teh hahahaha
madame chuni, akala ko wit mo bet ang long distance relationships? O_o
nakakaloka ka! haha!
waaah grabe natawa tlga ako ng sobra!
@Marhk... borrow ka ng borrow. hahaha! syempre dapat konkreto ang plano. =)
@Nox.... Yes, di ko talaga type ang LDR kaya nga balak kong isasakay ko sa barko. Pag nakita mo sya, iluluwas mo rin sya. Yum! Yum! Hahaha!
@Mike... Kasi nakakaloka rin sya. =)
@Anonymous... =)
' The things we regret the most, are the things we didn't do' - audie g.
Madame, pwede ka kayang magtayo ng kooperatiba. Yung pwede kami maki-sosyo. Para hindi naman masyado mabigat sa bulsa mo ang kabuhayan showcase.
Pwede kami maki-share sa scholarship fund. Pero, pwede din kaya maki-share sa fringe benefits? Di ba, bawat kooperatiba me dibidend? Share mo na, teh!
Ruben
@Audie G..... tama ka sa sinabi mo na 'yan. Agree!!!
@Ruben.... Good idea. Pero ang benefits mo ay makukuha mo lang after 50 years. Hahaha!
NYAHAHAHAHA potah bat ngayon lang ako nakabisita sa blog mo?? Leche, ang sarap mo...basahin...kaaliw! makapag back-read nga! Nag-follow na rin, next time baka buntisin na kita hahaha ;-)
wahahahaha!
ok na sana eh... kaya lang...
tsk tsk tsk!
parang pamangkin mo na yan.. haha!
seventeen??? siyet!
ganyan ka na ba ka tigang?
haha! chos!
lab you atsi!
wahaha! sorry pero nakakatawa talaga..
kasi naman kinikilig kilig na ako tapos sa dulo 17 lang sya..
comedy teh! hahahahaha!
parang
"pera na naging bato pa!"
wahahahahahahaha! lol
@JR... Hahaha! Ang bilis mo naman, buntisan agad. Hahaha! Sige, tara na!!!
@Shenanigans... Oo tigang ako sa pag-ibig pero hindi sa jerjer. Hahaha!
Teh, kung seryoso si Papa Solts, seryoso din ako.
Pasa mo na lang sakin si 17. Anyway in two weeks 18 na sya at legal age na. Ako bahala sa kanya d2 sa manila. Ako ang kakargo sa kanya.
Syet, hirap magseryoso parang nde akeetch.
neh! kiber na sa eksenang cougar. duh! kai demi moore na ang title...
tulad din ng chikka ng iba... "just follow your keps." este, heart pala. go with the flow river flow. anyway, at least malapit na shang legal. alala ko tuloy yung entry ni soltero sa makulit nyang 17-year old na grindr pal. hehehe.
@Pilyo... Seryosoka na ng lagay na 'yan? hahaha! Bibigyan ko kayo ng title ni Soltero - Sundot Kalikot! =)
@Hondafanboi... Mag move-on ka na sa entry ni Soltero. Si Soltero na ang Ultimate Lover Boy. Kili-kili pa lang may appeal na. Kanya na ang korona. hahaha!
Teh, kung Sundot Kalikot kami:
Ako ang SUNDOT
si Papa Solts ang KALIKOT
mas masarap kasi ang sumundot kesa kumalikot aheheh.
homaaaaaaaaaygaaaaaaaaaad! makalaglag... uhmmm. panga! hahahaha
go for the gold, silver and bronze teh! :)
isakay mo na siya ng barko.. dali.
para ikaw naman ang sakyan niya pagdating jan. ahaha.
for sure valedictorian sa pag araro yun.
4 am pa lang dilat na. shet. kapagod yun teh. may pasok ka pa. ahahaha!
ikaw na ang mabenta sa talipapa...
@Nimmy... pulutin at ibalik ang panga, kailangan ni leo 'yan. =)
@Rabbit... Ikaw ha, ang dirty dirty ng mind mo. napo-pollute tuloy ang pure intentions ko. Hahahaha!
@Shenanigans... ano ako Tilapya? =)
teh chuni akin nalng si mark...
mga ganun ang type ko eh...
try ko nga rin magpacute sa mga nagbebenta ng dvd one of these days.. baka may makilala rin akong isang gaya ni 'mark' :)
i'll keep you posted kapag may nagetching din akong isang gaya nya :)
hindi galunggong.. haha
@Ewan... finders keepers! sige, hanap ka rin nd dvd boy toy mo. hihihi!
@Shenanigans... Kung ako'y isang galunggong, ikaw nama'y isang Engraulidae! =)
Panalo ka..naaliw ako..parang ako lng at ung BFF ko..Keep on posting:-)
@Anonymous... Thanks! =)
aw! pero sana matulungan mo po sya kawawa din naman hehehe...
Post a Comment